over weight na po ba ang baby ko???

exclusively breastfeeding po si baby 6months palang siya 12kilos na 🥺 normal lang po ha yun? or over weight na siya? BTW, BABY BOY PO SIYA

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ano po gender nang bb niyo momsh?..iba2 kc normal na timbang nang bb boy and girl 🤯NORMAL OR NOT SERIES👹 Normal na Timbang ng Baby Boys Base sa Edad warning: Ito ay general na gabay lang. Sa clinic, isasaalang alang din ang timbang noong pinanganak (birth weight), haba ng pasyente, feeding, dating timbang, etc para masabi kung normal o hindi ang timbang ng babies. When in doubt, always consult a doctor (clinic or online). usual na timbang in kilos: 0 - around 3.3 hindi dapat mas mababa sa 2.5 1 month - 4.5 hindi dapat mas mababa sa 3.4 2 months - 5.6 hindi dapat mas mababa sa 4.3 3 months - 6.4 hindi dapat mas mababa sa 5 4 months - 7 hindi dapat mas mababa sa 5.6 5 months - 7.5 hindi dapat mas mababa sa 6 6 months - 7.9 hindi dapat mas mababa sa 6.4 7 months - 8.3 hindi dapat mas mababa sa 6.7 8 months - 8.6 hindi dapat mas mababa sa 6.9 9 months - 8.9 hindi dapat mas mababa sa 7.1 10 months - 9.2 hindi dapat mas mababa sa 7.4 11 months - 9.4 hindi dapat mas mababa sa 7.6 12 months - 9.6 hindi dapat mas mababa sa 7.7 🤔Paano kung mataas sa usual na timbang? 👨‍⚕️Hindi masyadong accurate ang edad para masabi kung mataba ang bata (weight for age). Mas accurate kung macocompare ang timbang sa haba ng pasyente. 🤔Paano kung mababa sa nakasulat na "hindi dapat mas mababa sa____" na timbang? 👨‍⚕️Consult a doctor para macheck up kung may problema ang bata o kung mali ang pagpapakain. Bago po idahilan ang "don't compare" siyempre tiyakin munang talagang walang problema. 🤔Paano kung bumagal ang pagdagdag ng timbang ng baby? 👨‍⚕️Kung titingnan niyo nang maigi ang numbers, talagang mas maliit ang dagdag na timbang sa huli kaysa sa mga naunang buwan. Kailangan po ng regular check up with a normal dahil dinadrawing namin iyan during well child check ups. Kapag nagiging flat masyado ang curve sa drawing namin, then hindi normal. disclaimer: for educational purposes only not meant for self-diagnosis To read other parts of the Normal or Not series: https://www.facebook.com/doczane/photos/a.339454020090213/533508167351463/?type=3&theater Like my page for more tips: KidZ Health by Doc Zane Reference: World Health Organization

Magbasa pa
5y ago

yan po normal na timbang for bb boys po..from fb page po yan nang pedia..try niyo po cya e.follow momsh..very helpful and informative mga post ni doc..