Galit silang lahat

Ewan ko kung kami lang. Pero naranasan niyo na ba mga mommies and daddies? Pag may tampo or di pagkakaunawaan sa family ng husband ko, nadadamay yung mga anak namin. Like di nila pinapansin kahit kinakamusta man lang? For example yung parents niya may tampuhan sila na sila naman may kasalanan, tapos wala man lang tawag or text kahit kamustahin man lang yung mga bata. Pero makikita mo sa FB active sa pagkocomment sa baby or anak ng ibang tao. Yung feeling ng magulang, alam ko mababaw lang pero waley talaga. Di ko lang magets kahit text lang. Kami gusto nila palagi tumawag or magtext tapos habang kausap namin sila sa cp, di rin nila tinatanong kids or what. Di ba nila namimiss mga apo nila? Ako kasi nasasaktan para sa kids. Curious lang ako. #advicepls

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh. hope you feel better. baka pwede pong sabihin ninyo sa kanila yang nararamdaman nyo? para po kasing hindi normal na hindi ma miss ng lolo at lola mga apo nila..

3y ago

Hello po thank you. Iba kasi sila eh, busy kahit di naman hahaha baka mas importante ang ibang bagay kesa sa mga apo.