7 Replies

Sakin namin yung tita ng husband ko. Nung plano na namin magpakasal sya pa may pinaka maraming comment kesho bakit daw mag aasawa agad etc etc, then one time pa nagipit kami ng husband ko sinabi nya na yan napapala nyo kakamadali nyo mag asawa. Sobrang dami nyang comment, nung ttc kami sinasabi nya sa iba na hindi ako buntis kundi poop daw yung nasa tyan ko without knowing yung reason bakit nahihirapan kami magconceive dahil pcos ako both ovaries. Not until ngayon na pregnant na ako, hindi nya ako pinapansin kahit bumibisita ako sakanila which is pakikisama na lang para sakin dahil relatives sya ng husband ko, minamata nya din kami at tingin nya lumaki yung ulo ng asawa ko dahil napromote sa trabaho. Kung ako tatanungin mo sis, wag ka mag seek ng validation sa mga toxic relatives unang una hindi mo naman sila totoong kamag anak nagkadugtong lang kayo sa husband mo pero wala naman silang bilang sa existence mo.

napakatoxic naman niyan momsh. hayaan na natin sila. oo nga momsh tama kaaa

I can relate to this somehow the difference is hindi Lola or Lola but aunts and uncles and their family. Sa kin nga ipaparamdam pa tlga Nila dahil galit sila na wala silang pakielam sa inyo pero sa mga kapatid mo at family Nila concern sila. Siguro sa part ko I just learned to let go of toxic family members for my peace of mind na din. Madalas kasi porket Mas matatanda sila iniiisp Nila sila palaging tama. This may be different from your case mamsh ah kasi nga parents ng husband mo Yun. Skin nmn kapatid Lang na mom ko. You may just let them realize things won't be working their way anymore. They'll come around din. If hindi, you can always make the first move as you always do pero talk to them nga. See if they will listen.

actually momsh, same lang tayo. pati aunts ng kids ko pinaparamdam nila na ganun. Kung galit sila sa husband ko and dinadamay kids. wala na rin ako magagawa hahaha. Let go nalang.

Samin nga, wala namang galit or tampuhan. Sadyang di lang nila makamusta man lang apo nila 😆 Partida pa, nag-iisang lalaking anak si hubby ko, at lalaki pa ang baby namin. Kumbaga si baby nagbuhay nung surname at magpapakalat lahi nila.Pero, wala naman akong pake hahahahahahahahaha. Di ko pinapakita saknila baby ko at di ako ang gumagawa first move. Kung gusto talaga nila makita or madalaw, sila pumunta dito samin. 🤣🤣🤣🤣 Maimbyerna lang ako sa mother ni hubby na pag hawak baby ko, kung makaangkin kala mo mahal na mahal eh, di man lang nga makamusta 🥴

Ay nako mi, hayaan mo yang in-laws mo. Di sila kawalan. Kayo at mga kids mo, mabubuhay kahit di sila kilalanin or what. Enjoy every moment nalang with them para iwas din sa toxic extended family. Kawalan naman nila yun, mommy.

stop seeking validation from other people, even if it's from relatives. di ko sure kung sobrang close family ang kinalakihan nyo pero if ganyan behavior nila, bakit kelangan mo. maghabol ng "pangangamusta" from them? parang lumalabas eh need nyo manglimos ng attention nila, especially for the kids. you can tell them how you feel, like "miss na sila ng mga bata, kumustahin man lang nila". but if they did not change their behavior and ganun pa rin sila, then let them go. you don't need such negativity in your life, especially for the kids.

tama! thank you so much. kaya nga ngayon lalayo nalang kami. like lalagay sa tahimik. kung ayaw nila okay lang kasi may ibang tao pa naman na nagmamahal sa mga kids

TapFluencer

Do not expect na lang mommy. You can not control kasi ang ugali ng isang tao. it will not do you harm naman kung hindi nila ka2mustahin mga anak mo. Ang importante ay inaalagaan mo ng mabuti ang mga bata. Cheer up!

thank you po!!

hi momsh. hope you feel better. baka pwede pong sabihin ninyo sa kanila yang nararamdaman nyo? para po kasing hindi normal na hindi ma miss ng lolo at lola mga apo nila..

Hello po thank you. Iba kasi sila eh, busy kahit di naman hahaha baka mas importante ang ibang bagay kesa sa mga apo.

Toxic family traits. Dahil ganyan family nila need mo ituro sa mga kiddos mo na huwag silang tularan, simulan mo sa family ang magandang pagsasamahan :)

thank you momsh! will do. sobrang lambing pa naman ng kids ko.

Trending na Tanong

Related Articles