26 weeks stillbirth
Hi everyone, stillbirth po ang baby ko at 6 months, nagkulang po siya sa amniotic fluid (Oligohydramnios based sa results) pero wala po akong sign dahil di po ako nagleak, at na-emergency CS ako (placenta previa), na ER lang po ako dahil dama ko wala na syang movement at walang heartbeat sa doppler, pagpunta namin sa hosp wala na talaga.. May same case po ba dito at gaano po kayo katagal naghintay para magtry ulit? Naging healthier po ba ulit yung sumunod nyong pregnancy? I love my baby so much and hindi ko na po kayang pagdaanan ulit yung ganito pag nagkaron na ulit siya ng kapatid. Paano po ba masure na mas healthy na pag nagbuntis ulit? May mga success stories po ba dito after ng stillbirth? 🥺 Please, gusto ko lang po mabawasan anxiety ko, na may chance pa magkaron ng healthy baby ulit 🥺 first pregnancy ko po ito 🥺



