Giving birth

Hello everyone! I'm gonna share to you my experience while giving birth. Totoo pong napakahirap manganak, especially when you are on the stage of laboring. October 3, bandang 8 pm I was 40 weeks according to my ultrasound at that time nag simula pong manakit tagiliran ko which is parang wala lang sakin kase iniisip ko nung nag pa transviganal ako ang duedate ko ay 12 ng October. Kampante pa ko, pero nung lumalala na ung sakit ng tagiliran ko na umiikot sa buong balakang ko dun na kami nag decide na isugod na ko sa lying in mga saktong alas 2, pero sarado ung lying in nagkataon rin na wala kaming load kaya naghanap kami ng hospital. Pumunta kami ng morong hospital wala rin daw ob pero tatawag daw sila kaya nag antay kami, nung chineck na ko nung nurse ung temperature ko nag 37.8 kaya tinanggihan kami at di daw sila tumatanggap ng may sign of covid so ginawa namin umuwi kami samin naghanap ng manghihilot. Nung pag ie sakin nung manghihilot sarado pa daw cervix ko di pa daw ako manganganak. Para kong binuhusan ng malamig na tubig sabi ko sa isip ko manganganak na nga ako e! Tumawag ung biyenan ko sa lying pinabalik kami at nung pag ei sakin 2cm palang daw malayo pa, false labor lang daw kaya napilitan akong mag pa induce. Nerefer niya kami sa private hospital, wala paring pagbabago sa cervix ko 2cm parin kahit pinahilab na ko. Nilabasan na ko ng dugo sobrang sakit na ng balakang hanggang sa nag decide ung doctor ko na e cs na ko dun ko lang nalaman na may sakit pala ko sa pelvic bone ko hindi lumalaki ung pelvic bone kaya di rin nagbabago ung result ng ei sakin. At wakas october 4 pinanganak ko ang napaka cute kong baby. Thanks God at safe kami pareho.! 1 week na po siya ngayon 😊😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles