9 Replies

The best pa din ang bumukod. Magaway man kayo ng asawa mo, walang mkikialam sa inyo. Humilata ka man maghapon sa bahay nyo, ok lang. Hawak mo oras mo. Asawa mo lang pkikisamahan mo dahil kayo lang 2 sa bahay, walang magulang, kapatid, kamag-anak na pwedeng mgssabi sayo ng ganito, ganyan. Your house, your rules. Mas maganda na kayo lang talaga ng asawa at anak mo sa bahay. Para mas matuto kyong 2 bilang mag-asawa kasi wala kyong ibng aashan kundi ang isa't-isa. Anuman ang maging kapintasan nyo sa isa't-isa, sa inyo nlng dalawa yun, walang ibang mga matang pwedeng pumuna. Blessed ako na right after ng kasal namin, bumukod talaga kmi, inuwi ako ng asawa ko sa bahay nya mismo. Buti nalng may sarili syang bahay, kahit halos magkakatabi lang silang magkakaptid ng bahay dito, may privacy pa din kaming lahat kasi nga bukod bukod naman sila ng bahay. At walang pakialaman o puna dito, puna don. Kanya kanya talaga kaming buhay. And siguro swerte na ding mttwag na wala akong biyenan na pinakikisamahan mula nung kinasal kami. 2 kapatid nya lang, may mga sariling pamilya na din. iba kapag nakabukod miiii.

minsan nasa family talaga yan ihh, may mga parents kasi na willing alagaan mga apo nila and masaya sila dun. Pero based po sa kwento mo, mas mainam po siguro kung nakabukod na po kayo. Para lahat ng ginagawa nyo, sa inyo lang pong pamilya. Kung mahihirapan ka pong maghanap ng mag aalaga kay baby, pwede mo po siguro itry mag work from home? para kahit papano nakabantay ka pa rin po sakanya. Laban mi. Ingat kayo palagi 💗

Sorry to offend you, pero hindi kasi obligasyon ng grandparents na alagaan ang mga apo nila. I’m a working and full time mom din. Samin dn kami nakatira since 2 lang kami magkapatid yung toddler ko kinuha ko ng yaya para hindi parents ko ang magbabantay. Sa gawain bahay? After work ko namin ni hubby hati kami sa house chores like linis, luto and asikaso ng bata since stay out ang yaya.

Sana po makabukod na kayo.

hoping someday makabukod kayo🙏 tingin ko yun lang solusyon. Ginagamit ka ng parents mo time,energy mo sa small bisnes nila na wala ka naman in return. Ni mag alaga man lang ng apo dika panila mapagbigyan.. Mas masarap sa feeling na ikaw may ari ng small bisnes kasama baby mo kesa nagpapaalipin ka sa magulang mo. Sana makabukod kayo makalipat ng lugar

VIP Member

Isa lang po talaga solusyon dito mommy gaya na rin ng nabanggit ng ibang mommies na sumagot dito: BUMUKOD PO KAYO. Hindi ko po surr kung anong buong sitwasyon nyo, pero kung kaya nyo naman na mag rent ng sarili nyo go for it. Sobrang laking ginhawa po nun dahil ganyan din kami before na sa parents ko nakatira. Kaya mo ya mi sana magawan nyo po paraan.

Magbukod na lang kayo mi, may trabaho naman yata ang asawa mo. Kahit maliit na paupahan lang at least may peace of mind ka. Tapos ang hanapin mo na work eh wfh or kaya mga virtual assistance para kasama mo pa din ang anak mo.

mukhang maganda nga bumukod na kayo mi..mahirap pag alam mong wala kang maaasahan na tulong sa sarili mong pamilya..mas nagagawa mo pa lahat ng gusto pag nakabukod na kayo..mahirap pero kaya yan

Bukod talaga solusyon dyan mi tapos hanap ka na lang na wfh job. Mahirap talaga pag sarili mong nanay kinakawawa ka. Hugs

tiis lang po muna hanggat dpa kayu nakabukod.gnyan tlaga ang parents lalo na at tumatanda na sila nagiging bugnutin.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles