Pampatanggal Ng Sama ng Loob Ang bigat na kasi??

eto Nanaman ako mga mamsh Depressed or Praning? Yung Salitang " anak ko batas ko" wala yan sa Mga byenan ko, dapat sila ang batas kasi marami silamg alam kesa sa akin mas may karapatan kamo sila kac apo nila yan?? Sa tuwing umiiyak si lo ko agad2x silang andito yung parang si flash as in agad nagpapabukas ng kwarto kasi sila na raw magpatahan sa lo ko! tapos sasabihan agad ako nininerbyos ako sa tuwing umiiyak yung bata. Bakit ako nanay Hindi? Tingin nila sa akin dito Tau tauhan lang?? kasi sa tuwing nagagalit ako sa lip ko naghihiganti sila sa akin?? palagi nila akoang kinokompara sa iba, sakinala noon.?? pinapamukha nilang perfect mother sya, lalo na nung nagkarashes lo ko ang sabi pa nya saakin Pag ako nag alaga nyan wala yang rashes lahat ng anak nya kamo hindi kahit kailan nagkarashes.?? Naudlot kasi tung galit ko Simula ng nanganak ako, bahay paupahan kasi itong bahay nila, bale dalawang andanas nung una andun kame sa taas kac nga po kahit Live in partner na ako ng anak nila nagbabyad parin kame ng kwarto namin ng 2500 ang mahal noh?? nung nalaman na ng nanay ko na nabuntis ako nagtampo ang nanay ko kaya hindi sia nagpadala ng isang buwan, kaya pinalipat na kame sa baba kasi discounted na daw 1500 ang buwang bayad. nung nagpalit na kame ng kwarto nagreklamo ako sa lip ko na ang liit ng kwarto kahit dalawa lang kame ng kapatid ko ang titira masikip parin kaya sabi ng lip ko sa kanila pakidagdagan ng unting space manganganak na nga ako. Pero ang sabi pa nila ayy yan na ba ang kinaiinisan ko padagdag ng padagdag ang daming trabaho di man lang marunong makontento.. Sino kaya makontento sa space na paramg cr lang ang laki tapos manganganak ka pa. tapos yung araw na sinasabihan nya kami ng ganun yun din yung araw na sumasakit na ang tyan ko pero ang nya saakin pupunta tayo ng hospital if lalabas ng yung bata naku. hihintayin pa talaga nilang lalabas na ehh ang sakit2x na ng tyan ko tapos nirekomenda pa ako ng Ob ko sa public hospital na magpaultrasound kame. natakot yung nanay ko kasi yung hospital na yun maraming namatay na buntis kasi kulang sila ng facilidad. Pinapunta ako ng nanay ko sa private na nga kasi inaalala nya yung kaligtasan ko. pero ayaw ng byenan ko kasi nga daw mahal dun,dun na daw ako sa public wala pang byad. Nung nagpasya na akoang pumunta ng hospital ayaw ba naman nyang sumama kasi nga daw yung anak nya nanganak di nga daw sia pumunta proud na proud pa sia. pero pinilit ko sya kasi kasama ko lang kapatid 16 years old pa ngalang kapatid ko pero sya na nag asekaso lahat ng kailanganin ko kasi wala yung byenan ko. as in lahat nagpunta nga sia pero busy sa telebabad.. Kaya ako kayud ng pag iri kasi ang sakit na talaga na ng tyan ko. Pagkatapos kung maglabor sinabihan ba naman ako na hindi sya magbibigay ng pangbayad ng hospital kasi wala na daw siya pera, naubos na daw sa requirements ng lip ko, kasi nagseaman na yung lip ko pinilit kasi nila kasi ang sabi ng lokong lokong kasama ng lip ko na 50k ang first sahod yun pala 3k lang. Problemadong problemado ako san ako kukuha ng pangbayad ng bills ngayon! buti nalang mahal na mahal ako ng nanay ko binigyan nya ako ng pera, pero hindi sya pumayag na hindi sila magbibigay kasi nga daw apo nila yung lo ko dapat nga daw sila talaga magshoulder lahat kasi sakanila naman daw yung lalaki, kaya nagbigay sya ng 7k, Tapos eto po yung pinakamatinding pagkagalit ko sa kanila, kasi nung pagkalabas ko ng labor room nakita na nya yung anak ko, tumawag sya sa lip ko ang sabi pa nya ( ay ray kamukha man ni mae ang bata) sinong nanay ang matutuwa ang makarinig ng ganyang words.. Desmayadong desmayado silang makita na kamukha ko yung bata.??? ibigsabihin hindi nila tanggap yung bata kasi kamukha ko pero nung tiningnan nya mabuti ang bata kamukha daw pala ng anak nila ang apo nila kaya ayun parang tinggalan ako ng karapatan sa anak ko, sa tuwing ummiyak yung bata kinukuha nila sa akin kasi di daw ako marunong mag alaga, tapos binibrainwash.nila ang utal ng lip ko ito namang lip.ko punyeta paniwalang paniwala kaya, nung unang buwan ni baby nadepressed na ako, sumunod sunod pa ang mga ganun pangyayari, at ang tindi nila kasi yung used damit nila yun yung kinukomot nila sa anak ko para yung bata sila lang ang hahanapin palagi ilang araw din iyak ng iyak ang baby ko dahil hanap hanap ang bruha kong byenan kaya sinabihan ko sila na sana wag nyo na ilagay yang damit nyo sa bata, ang sagot pa nya sa akin ay wag ka mag alala.. padadala ko dito damit ko. gago tlaga, sa tuwing kinukuha nila yung baby ko tinatago yung patalim sa kwarto namin kasi gusto ko na talaga magpakamatay?? sa awa ng diyos unti unti na akoang gumagaling pero ngayon ito nanaman ako back to normal na naman ako sa pagiging depressed. dahil sa kanila ??

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha kaya ayoko makisama sa mga byenang hilaw eh. Kme ng lip ko live in na ngaun at nanganak na din ako 11days palang lo ko. Ni singkong duleng di kme humingi sa parents ng lip ko nung nanganak ako di pa nga rin nila nkikita ung apo nila eh haha wla kc rin akong balak dalhin sa knila kung gsto nila makita cla pmunta before kc nagkaalitan din kme ng byenan kung hilaw dming cnsbi dming satsat minaliit pa ko. Kaya cnagot sagot kuna kesa tapaktapakan lng pagkatao ko. Kung alam ko nman na wala akong mali at di ko cla inaagrabyado db. Now dto kme sa parents ko mas ok dto galaw ko lahat alaga ko c lip ko mas bantay ko sya at wlang nangingialam sa pag ppalaki ko sa knya at c mama ko guide nya lng ako frstym mom kc ako atleast mama ko naiintndhan p ko di tulad sa iba makikisama k tlaga dmi pang satsat kaya kung ako sau umuwi k sa inyo syka ikaw nanay nyan ikaw mag ddicsyon kung di ka papalag jn gaganyanin k lng nyan ikaw din mag suffer.

Magbasa pa

Sis kung ok lang naman sayo ano uwi.ka na.muna sa inyo habang wala pa naman jan si lip mo kasi masasanay yung anak mo na sila ang kasama e dapat ikaw.ang kasanayan.ng anak mo tsaka baka mamaya yung mga ayaw mo ginagawa ng byenan mo sa anak mo like painumin ng tubig or.baka.bigkisan ang baby mo kasi lalakindaw ung tyan ung mil k gusto bigkisan.ung baby.k sabi ko.ayoko kasi may batang naospital dahil binibigkisan nd nakahinga ung baby kaya kahit mahalit talaga ung mil ko wala akong pake e hahaha ank ko.naman to tsaka doctor lang ang pwdeng magdikta sakin.kasi sila ung mas may alam aminin man natin o hindi ng mga byenan talaga ay mas maniniwala sa pamahiin which is hindi ako naniniwala sa mga ganon basta mag pray ka lang sis at iwas iwas ka na muna

Magbasa pa

Meron tayong pagkahawig sa nangyayari sis. Pero ang payo ko sayo umuwi kana sa nanay mo, dahil wala pa naman jan si lip mo.. Bago ka pa mawalan ng respeto sa kanila. Mahirap po ganyan i feel you, kaya ang ginawa ko nuon ayaw kami payagan umuwi ng anak ko kahit 10 mins lang ang biahe papunta sa bahay namin minessage ko mama ko na puntahan kami dun at hiramin since ofw si mama saktong nagbakasyon nun kaya isang buwan kaming hindi umuwi sa inlaws kong hilaw, hanggang ngayon naman nasa mother side kona ako 5 mos din akong nabaliw dun sa kanila ofw din lip ko.

Magbasa pa
VIP Member

Lip plng nman kaio, uwe kn muna senio.. Bka mapano k jan kkaicp s prob mo.. Kelangn nio ng baby mo maayos n ambiance at environment hnd toxic.. Bka ayaw saio kya gnyan pkitungo saio.. Usap kaio LIP mo n uuwe k muna senio.. Pra seperate dn mgpdala saio.. Bka pwede k mg promissory note qng pde p sknla un s hosp.. Mei SSS kb pra loan at phlhealth pra bills.. Mkbwas mnlng.. Mgdasal ka.. Mhrap un gnyan ang bgat ng prob mo..

Magbasa pa

Kausapin mo sila mamsh hindi pede gnyan saka dapat sayo si hubby mo naniniwala kc sya lang meron ka at si baby pampalakas man lang or lipat kana ki mama mo kc love ka nila don hirap ma depressed maloloka ka lang hayaan mo sila gwin mo lang yung tama para sa baby mo

Ofw po si ermat ehh.. ngayong 2021 pa uwi nya. kung masama ugali ng byenan kung hilaw mas lalo naman dun sa pamilya ko. ayaw nila akong taggapin doon kasi maliit lang daw sahod ng lip ko kulang lang daw sa gatas ng anak ko.😒😒

5y ago

Akala ko sis okay kayo ng mama mo? Baka pwede sa iba na lang kayo tumuloy ng baby mo, like sa iba umupa ganon.

VIP Member

mas better po ata na lumipat muna kau..kung wala nmn po si shubby niu at seaman nga parang mas ok at sasaya ang buhay mo kpag nandun ka sa parents mo..grabe..nakakastress tlg ung gnyan..hayst!..pray k lang po

Hayaan mong alagaan nila. Hanggang mapagod at magsawa. Hayaan mong manumbat. Magpagaling ka momsh, magpalakas. Saka mo nalang sila intindihin. Sa ngayon gebalasilajan. Sending prayers po.

naki po momsh, kausapin mo po sila ng maayos.. kung di ka po magsasalita wala pong mangyayari. kausapin mo din ka live in mo momsh, hndi pwedeng ganyan palagi kasi ikaw ang kawawa..

VIP Member

Kung ako sa iyo umalis ka jan ..grabe sila .kausapin mo live in partner mo na ganyan nararamdaman mo ..para di ka mahirapan.... Pray lang lage sis.be strong para sa anak mo