BIRTH STORY

Eto na nga, I was really hoping for this day naa share ko din sa inyo naging experience namin ni baby.hehe DOB: October 10,2019 EDD:October 15,2019 via CS I wasnt expecting ma cs ako, pero according kay ob, hindi talaga nag oopen cervix ko.. Nag take nako eveprim for 2 weeks,kaso wala parin sign of labor.. Hindi nmn daw ako pwede i induce kasi di pa ko nakikitaan ni ob ng sign na dapat i imduce na.. So me and hubby decided to go for cs na.. Grabe kaba ko mga momsh,takot ako mahiwa..very supportive lng ung mga doctor kaya nawala kaba ko.. So 11:06pm baby out na ? sabi ni doc, good decision daw nagpa cs ako kasi double cord coil na daw si baby.. Kung antayin ko pa daw due date ko at mag labor ako, baka mapahamak sya.. So thanks God talaga ok si baby.. So October 12, na discharge kami.. Very excited kami as new parents kaya hands on talaga kay baby..di ko na ininda nararamdamam kong sakit.. Until october 15, pag gising ko ng umaga,sobrang sakit ng ulo ko..akala ko dahil lng sa puyat.. Hanggang maghapon patindi ng patindi sakit ng ulo ko..nagpa bp ako,jusme 160/120 bp ko.. Very unusual kasi low blood ako, at normap bp ko during my entire pregnancy..so sinugod ako sa hospi.. Pagdating ng hospi,pumalo ng 190/130 bp ko.. Grabe mga momsh,feeling ko mamatay nako ? dami gamot tinurok pang baba ng bp, nag pre eclampsia pala ako.. Sobra din manas ko after operation akala ko normal lang..so un nga, akala ko ang pre eclampsia during pregnancy lang, nang yayari din sya 1-6 weeks after manganak.. So eto,currently naka admit ako sa hospital dahil under monitoring..si baby nasa bahay..hirap pala malayo mga momsh, ilang days palang si baby nagkahiwalay na kmi..huhu grabe sakit pinagdaanan ko,lahat na ata ng klase ng sakit naramdaman ko..yung di ka pa nga nakakarecover sa operation,eto panibagong hamon na naman..pero totoo na makita mo lng anak mo,mawawala lahat ng sakit.. Kaya sobrang bilib ako sa lahat ng nanay, hindi biro pero masaya..

Trending na Tanong