STRETCH MARKS at 31 WEEKS

May effective product ba para mawala to o kumalma man lang while I'm pregnant??? Nawawalan ako ng gana kumain kapag nakikita ko :( nanlulumo din ako. Malotion akong tao, ngayon lang ako nagkastretchmarks. Nivea hiyang kong lotion. Ano po maganda bilhing product? Nag add to cart na ako ng Palmers kaso baka di effective o maganda naman? Morisson din nag add to cart na ako. I need advice huhu ano magandang iapply para dyan. ‼️NO TO BODY SHAMING PLEASE ‼️ Edit: Wala akong stretchmarks till 25 weeks, biglang sumulpot. Nung sumulpot, hinayaan ko, konti lang naman. Biglang dumami 😭 Nung bata ako may stretchmarks ako dahil sa pagtaba pero nawala din. Maalaga din po ako sa lotion and hindi ko kinakamot ang tyan ko. Nagamit ako ng Nivea till now. Ganun ba ang difference ng stretchmarks ng buntis sa stretchmarks ng pagtaba-pagpayat? Hindi na nawawala???

STRETCH MARKS at 31 WEEKS
46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dapat po mommy kapag kumakati po yung part ng tyan nyo, gamit po kayo ng suklay wag po i-direct mismo sa balat ang pagkakamot dapat po may damit

4y ago

ganon dn po case ko at case ng ibang mommies. kung magkakaroon, magkakaroon talaga kahit di magkamot :)

Ako nga di naman makati bgla lang ako nagka stretch mark. Pero lagi nman ako nag lolotion. Di tlga maiiwasan yan

Pabayaan mo lang muna yan sis. Ang mahalaga, healthy si baby. Tsaka mo na isipin yung balik alindog program mo.

4y ago

The term "balik alindog program" is just to empower the positivity na maachieve o maregain, hindi man 100 percent, yung self confidence mo. Hindi lang sa pagpapasexy yung pinopoint out non e. It's just for the idea of becoming a confident individual kahit ano pang appearance mo or state of mind mo.

BIO OIL po, pricey pero super effective. yan din po gamit ko sa peklat ng anak ko super effective

4y ago

San po nakaka bili ..?

Normal yan mommy pero sabi nila mag lalighten din yan after manganak ganyan din po ang titan ko di ka nag iisa. Mas nangingitim pa nga po dyan e. :)))

VIP Member

hi momsh.. be proud! 🤗 pero advice ko po ay aloevera gel. ok din ang palmers 🤗

aveeno moisturizing lotion gamit ko kaya lng nag start ako gamit mula nung nalaman ko na pregnant ako..til nanganak ako wla akong stretchmarks

Wag ka mabother sa stretch marks mo sis. Ako nga lagpas pusod pa. Baka sumama pa loob ni baby mo

cetaphil gamit ko sis mula nagbuntis ako, umaga gabi ko pinapahiran tyan ko. ngaun kabwanan ko na wala p rn akong strecth mark :).

same mamsh! nanlulumo din ako pagnakikita ko stretchmarks ko :( wala ako nun nung 25 weeks tapos biglang sulpot din.