birth story
EDD:Dec 27, 2020 DOB:Dec 17, 2020 Via: NSD BTL after 3kg Kids: 2boys Meet my one and only baby girl Milcah Daenerys Monforte #3rdbaby hindi ako marunong magkwento pagpasensyahan nyo na po,medyo mahaba haba.. 36weeks pa Lang nagsimula na ko maglakad lakad,squat,zumba,then Kain pineapple isang buo,inom din pineapple juice at Chuckie pati nilagang luya..lahat na yta ng nbabasa ko dto ginawa ko na pra magka cm at labor ako. 37weeks pgblik ko sa OB ko inay E ako closed cervix pa din daw at makapal pa,so medyo na stress na ko pero naisip ko kung ayaw pa tlaga hintayin ko na Lang ng kusa. dec.14 monday check up ko sa OB ko 38weeks na ko nung time na yun then pag IE sakin 2cm na ko,niresetahan na ko ng OB ko ng eveprim at buscopan..pag inom ko ng Eveprim 2x a day nagpapasak din ako sa pwerta tpos inom din ng buscopan.. dec.15 Tuesday wala pa din ako nraramdaman na sakit lakad exercise,zumba squat ginawa ko na pero puro lang paninigas..at tolerable pa yung pain..gusto ko na Sana magpa admit kaso di pa lumalabas result ng swab test ko kaya Sabi ko bukas na Lang kasi dadating na din naman yung result ng swab..ayun salamat sa Diyos negative nman. dec.16 Wednesday morning nag usap na kami ni hubby na magpa admit na sa ospital kasi baka tumaas na yung cm ko,pagdating namin hospital after lunch punta kami ER inay E ako 2cm pa din kaya Sabi ko Kay hubby uwi muna tayo,kaso tumawag na yung OB ko sa ER na I admit na ko..then pinasakan ako ng Eveprim sa pwerta. bago ko iakyat sa labor room 2 to 3cm pa rin,mga 6:30pm nung nsa labor room na ko tska lang ako nilagyan ng swero then sinalang ako sa NST pra mamonitor HB ni baby nahirapan yung nurse kasi di nya mahanap heartbeat ni baby,so ako kinakabahan na ko nung nahanap na,nsa bandang itaas narinig HB ni baby Sabi ng nurse mataas pa daw,pero cephalic nman Yung position ni baby..nung minomonitor na yung HB ni baby bumabagsak yung HB nya so ako ntatakot ako pra Kay baby,tinxt ko yung hubby ko na ganun nga kalagayan ni baby pagdating ni hubby ksama ko sya sa loob ng labor room nagpray kami.. tinawagan na Nila OB ko mga 11pm dumating OB ko then nilagyan na ko pampahilab tpos pag IE sakin 4cm na kaya ko pa yung sakit pag dating ng 5 to 6cm ayun di ko na kaya yung pain umiiyak na ko pinutok na din yung panubigan ko Sabi ng OB ko magpalagay na ko anesthesia nung una ayaw ko pa pero nung mga 7cm na di na talaga kaya pumayag na ko magpa epidural kasi magpapaligate na din ako..mga 12:45am nabawasan na yung pain dahil sa epidural,mga 1:30am nkaramdam na ko ng sobrang pain sa may pelvic area ko Sabi ko sa nurse ntatae na ko..wait lang daw tatawagin lang si doktora grabe na yung sakit nraramdaman ko na ulo ni baby,pagdating ni doktora IE nya dapat ako kaso nagulat sya kasi nakapa na nya ulo ni baby nataranta sila dinala agad ako sa delivery room.. di ko msyado mramdaman yung contraction dahil sa epidural sinasabi lang ng OB ko na umire na ko,after ng 3push 1:57am baby's out sakto nakapoop si baby pagkalabas then cord coil pala sya kaya pala hindi sya bumababa..Nagpasalamat agad ako sa Dios dahil hindi nya kami pinabayaan mag ina.. right after manganak dretso hiwa na sa tyan for ligate.. hehe sobrang haba.
Nurturer of 1 naughty junior