EDD via LMP: February 9 2021
EDD via UTZ/OB: January 30 2021
DOB: January 27 2021
Share ko lang guys kung gano kahirap pero worth it.
(INDUCE LABOR) January 25 magpapacheck up lang sana ako sa lying in na aanakan ko. Nung na IE ako 2cm daw so sinalpakan ako ng primrose. Tapos lumabas ako para magpalaboratory kasi super manas ako. So matagal tagal na oras ang hinintay sa result. Bumalik ako sa lying in at yung mama ko nlng kumuha ng result ng lab. Habang lumilipas ang oras nakakaramdam ako ng hilab sa tiyan. Masheket! Sabi ng mga midwives dun admit na daw ako kasi kung uuwe pa baka sa gabi naman umatake malayo pa naman bahay namin. Pumayag ako magpa admit. Sumunod yung asawa ko dala mga gamit. 25 ng gabi puro hilab lang, 26 madaling araw tinurukan yung swero ko ng pampahilab pero wala pa din. Tolerable pa din yung pain. 4cm na ako. 26 ng gabi nagpabili ako sa mama ko ng pinya yung juice at yung fresh na pinya. Naka dalawang in can ako tpos kalahating pinya. 27 ng madaling araw nakaramdam na ako ng sobrang pananakit kaya dinala na ako sa delivery room, 8cm..tinurukan ulit yung swero ng pampahilab. Dun na ako nagsisigaw sa sobrang sakit.. Nag labor ako ng 3am hanggang 8am. Sobrang bilis lang kung tutuusin ng labor ko pero sobrang sakit talaga kasi nanganganay ako. 9 yrs old na kasi yung sinundan.
World, meet my baby boy Vince Rayleigh ❤️
Sa mga team January kaya niyo yan.. Para mabilis lumabas si baby, itae niyo nang todo. Makakaraos din kayo 🤞