Meet my Lil’ One 😊
EDD via LMP: Aug 16, 2020 EDD via UTz: Aug 26, 2020 DoB: Aug 26, 2020 3.2 kg via CS Olah Mommies! Meet my LO. :) Share ko lang experience ko. Hehe. Everyday ako sa App na ‘to. Mas vinivisit ko to kesa sa ibang soc media. Laking tulong din kasi talaga. So ayun, start ng 36 weeks nag wawalking na kami ng LiP ko. 1 1/2 hr sa umaga. 1 1/2 hr sa hapon. Then yung pinagwawalkingan namin, may uphill pa. Start ng 37 weeks ko, excited na ako lumabas si baby since full term na. Pero no signs pa rin hanggang ika 38 weeks ko. Nagpacheck up ako nung 37 weeks tapos 1cm na daw opening. Pero wala ako nararamdaman na hilab or anything. Then pag balik ko nung sumunod na Linggo, daii closed cervix nanaman. Gulat kami ng OB ko. Kahit panay lakad na kami ng LiP ko, sumara pa yung opening ko.. So more on tagtag na ginagawa ko. Linis bahay, more walking sa garahe namin, inom pineapple juice, inom chuckie. Haha. Lahat na! Pero wala pa rin signs of labor hanggang 39 weeks ko. Tapos naisip ko mag akyat panaog sa hagdan. Naki hagdan pa ako sa may 7/11 malapit samin kasi wala kami hagdan. Haha. 3 days straight ko ginawa yun. Mula 1st floor - 3rd floor, apat na balik. Then nung hapon nung Aug 25, 6PM nag zumba zumba ako, then nung gabi umupo dun sa exercise ball at nag light exercise. 12mn ng Aug 26 nakaramdam na ako ng hilab. Yung parang nireregla. Pag gising ko ng 6am, umihi ako. Ayun bloodyshow na. So punta agad ako sa ospital para magpacheck. Pero daii!! 1cm pa lang ulit. #1stimemom Haha. Then saka lang ako kinuhaan ng BPS. Then pag check, ayun tight yung cord coil ni LO. Kaya pala ayaw bumaba. So since 40wks na ako, sinuggest na nila i-CS ako since risky na lalo na’t cord coil si baby. That day din, inadmit na ako and inoperahan. Hindi pala talaga biro ma CS. Mataas pain tolerance ko, pero yung CS, kakaiba. Pero worth it naman lahat ng sakit nung nakita si baby. 😊 So ayun haba ng kwento ko. Haha. Just wanna say good luck sa lahat ng Mommies out there! Pasasaan din at makararaos na din kayo. Praying for all of you & stay safe always! 😊