Welcome to the world, my Sofia Louise πŸ₯°

EDD: September 26, 2021 DOB: September 19, 2021 WEIGHT: 3.055 kilograms EMERGENCY CS (OLIGOHYDRAMNIOS) September 4 nag paswab ako, lumabas ang result nung September 6 at nag positive ako sa Covid pero asymptomatic ako. Kailangan ko na bumalik sa OB ko para sa checkup ko at di pa ako na IE dahil nakasched na i-IE ako pero hindi pwede dahil need ko mag isolate. nangangamba na ako kasi syempre kabuwanan ko na. di pa ako nakakapag pacheckup, ni IE wala at BPS. 10 days ang hinintay ko dahil sabi sa barangay namin okay na raw at dahil after 10 days anong petsa na non kaya pinayagan na rin. chinat ko OB ko na okay na ako at nakakuha na rin ako ng certificate ba yung tawag doon basta na nagsasabing okay na. Dahil 10 days nga, nung September 16 ang tapos ko eh Monday, Wednesday at Saturday sched ng OB ko so naghintay pa ako mag Monday dahil hapon na nakuha yung certificate dahil yun ang nakasched (kung maaga sana nakapag pacheckup na ako nung September 16 palang). Nung nag Monday na (September 18), nakapag pacheckup na ako, na IE na rin at BPS kaso doon nalaman na di na sapat yung panubigan ko kaya need ko na manganak. So need ko na ulit magpaswab. Kinagabihan mismo nagpaswab ako at lumabas yung result kinabukasan. at Thank you, Lord. ang bait mo talaga dahil nag negative na ako sakto kakagising ko lang non 6pm nung September 19. natulog kasi ako dahil alam kong ics ako para may lakas lakas ganern. kaya diretso kami agad sa hospital eh di pa nakakapag rapid yung asawa ko kaya dali dali sila kahit gabi at grabe talaga ang bait ni Lord dahil negative ang asawa ko dahil walang mag babantay sa akin if ever mag positive siya. at yon tuloy tuloy na. okay na rin ako ngayon. yung first week lang talaga yung masakit eh hirap tumayo, umupo, bumangon sa pagkakahiga pero kaya naman dahil no choice eh. Hindi ko talaga akalain na cs pala ako dahil hindi na sapat yung panubigan ko kasi nung August okay pa yung panubigan ko pero biglang ganon na lang. Hindi ko napansin talaga kasi akala ko ihi lang kaya basa yung panty ko pero yun na pala yon at nasasama na rin pala sa pag ihi ko. kaya hindi talaga dapat isawalang bahala yung mga ganitong pangyayari at dapat aksiyonan agad. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil hindi niya kami pinabayaan at negative din result naming mag asawa dahil kung positive sa ibang lugar pa ako dadalhin at dahil healthy ang baby girl ko sa awa ng Diyos. At sa app na to dahil laking tulong talaga lalo na't bata pa ako (20 years old) at first time mom din. ang dami kong nalaman sa pagiging nanay. maraming salamat. Meet my beautiful baby girl, Sofia Louise πŸ‘ΆπŸ»πŸ’›

Welcome to the world, my Sofia Louise πŸ₯°
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

πŸ’™β€

Post reply image
3y ago

thank you po πŸ₯°