SHARING MY EPIC BIRTH STORY 💙
EDD : September 14 DOB : September 14 Baby Boy Sept13* Ito talaga ang expected date ko na manganak. Kasi yung 2daughters ko 13th din ang birthday pero magkaiba lang ng month. So a week before, inom na akong pineapple juice twice a day. Pero di ako masyado makapag exercise and lakad kasi di ako lumalabas and hirap na ako kumilos. Nung 13th mga 10am nagising ako, then kumain. Tapos gusto ko na talaga manganak. Kaya pinilit ko din mag do kami ni hubby hahah! Kasi takot sya baka daw maapektohan si baby like mabunggo nya or what. Pero pinush ko pa din hahah! Sabi ko gusto ko na talaga manganak. Then after non, parang naramdaman ko nga na mejo nababa na si baby. Itinulog ko muna. Pag gising ko mejo sharp na ng very light ang pain pero keri pa naman. Kaya nagdecide na ako pumuntang lying in para ipacheck. 4pm kami nakarating ng Lying in. After ng rapid test, wait lang ng result, shempre negative ako. Heheh! ❤️ Tapos i.e na. Sabi ng midwife mataas pa daw. Wala pang cm. Uwi daw muna ako.. Pero dahil makulit ako, at alam ko lalabas na si baby kasi alam ko yung feeling na yun e. Nagstay muna kami sa lying in. Lakad lakad lang ako. Tapos mga 6pm, i.e ulet. Nag cr muna ako and napansin ko may brownish blood na sa undies ko. Then pag i.e sakin, Mataas pa din daw. Umuwi daw muna ako para makapagrest ako. At dahil makulit kami ng mom in law ko, naghintay nalang kami. And pinapunta ko na hubby ko para sya ang kasama ko don na maghintay. Mga 7pm naki-cr ako and nakita nila andon pa ako, nagalit sakin mga midwife.. Makulit daw ako imbes na makapagpahinga na ako ng maayos e sabi ko ayoko mapag abutan sa bahay at mahirap ang transpo. Tapos sabi saakin matagal pa daw lalabas si baby kasi malayo ang age gap ng last baby ko, which is 9years,manganganay daw ako kaya feels like first time daw ulit. Tapos sabi sakin dun na ako magstay sa kwarto at hayaan maghintay hubby ko sa labas since makulit daw kami. Nakakastress na mga midwife. Hahah! Sila talaga ang pahirap. Kasi alam ko ang feeling pag lalabas na e kasi ganon na ganon sa last baby ko. September 14* Mga 1am lumabas ako ng room ng lying in since tulog naman na lahat para masamahan hubby ko sa waiting area kasi kami lang tao don. And para makapaglakad lakad ako. Medyo intense na rin ang pain at napapaingit na rin ako sa paghilab nya every 5-10mins. Nakakaidlip idlip din ako non habang nakaupo kami ni hubby sa waiting area. Tapos gising pag sumasakit, hinga lang ng malalim, tayu-tayo. Tapos mga bandang 4am umuwi na muna hubby ko para kumuha ng food. At bumalik na din muna ako sa room ng lying in. Para makahiga at makaidlip. Intense pa din ang sakit. Mga 4:40am sibrang intense nung sakit at naramdaman ko pumutok na panubigan ko.. Dali dali ako lumabas at ginising yung midwife.. Pagka-i.e sakin, 8cm na daw. At mataas pa daw. Takenote. MATAAS PA DAW. kahit pumutok na panubigan ko. Ito talaga ying nakakastress ma part e natatawa nalang ako pag naaalala ko. Sabi pa sakin ng midwife wag daw ako iri ng iri. Kasi gusto ata nila full cm bago nila paanakin. Eh ako alam ko at ramdam ko na lalabas na si baby. Iniwan nya ako ulit sa room. Tapos maya maya di ko na talaga kaya ramdam ko talaga na lalabas na si baby, kaya sumigaw na ako sabi ko "Ate!! Ate!!" tapos pagpunta nya sakin pinagdiaper nya ako, ako pa talaga ang nagsuot sa sarili ko ng diaper. 🤦♀️🤦♀️ At pinaglakad ako sa kabilang room which is delivery room, tapos pinahiga ako dun sa bed na paanakan. At habang nakahiga ako, si ateng midwife apakabagal pa kumilos. Nagsuot pa ng PPE. Pucha! Wala manlang pagmamadali. Kastress. Hahah! Di na ako makali non sa sakit napapasigaw na ako.. Sabi ko ate please lang po pakibilisan! Lalabas na ate di ko na kaya.. Tapos sabi lang nya "wait lang po.." halos mapamura na ako non hahah. Tapos ayun sa wakas natapos din ang walang hiya. Pinairi na nya ako, pinush ko ng napakatindi. Mga 4-5 matinding push. Ramdam ko yung init at hapdi ng paglabas ni baby pero worth it. 5:15am Baby's out. Wew. Napa "very good mommy!" si ateng midwife. Pucha isip isip ko ako very good ikaw very bad nyeta ka. Lol Sobrang epic nitong experience ko and napasabi ako na last ko na talaga to. Nakakainis lang yung ibang nagpapaanak mas marunong pa sila sa manganganak eh. Kalorki! Sila ang nagpahirap sakin e. Lols Anyways salamat po sa pagbabasa ng epic birth story namin ni baby. Sorry sobrang haba. Sa mga mommy na naghhintay, patience lang. Lalabas din si baby. 💙