My newborn baby

EDD: October 29, 2021 DOD: October 16, 2021 WEIGHT: 2.5g NAME: Mary Quinn Renesmee D. Dimaculangan Via NSD October 14, last check up ko sa OB ko schedule for IE at 1cm na daw ako at magpaschedule na ng swab test sa October 18. Kinabukasan naglakad ako ng umaga for 30mins at nagsquat ng 10mins pagkatapos ay uminom ako ng pineapple juice at nahiga na uli. Kinagabihan mga bandang 9pm sumakit puson ko at umihi ako nakita ko na may dugo. Medyo kinabahan ako at ginising ko ang nanay ko, sabi nya humiga na daw ako at ganon daw talaga pag na IE. Bandang 11pm tumindi na ang sakit ng puson ko na parang natatae na ang pakiramdam ko. Nawawala naman ang sakit tapos nabalik after mga 3mins. Mag 2am na hindi ko na kinaya. Nagpadala na ako sa hospital bahala na kung tanggapin o hindi. Pagdating namin ng hospital agad tinanong kung may swab test ako sabi ko wala pa po. I antigen daw nila ako pag nag negative tanggapin nila ako. After 15 mins awa ng Diyos nag negative then IE na agad at ayun fully dilated na daw at maya maya pumutok na panubigan ko. 2:30 pinasok ako ng delivery room at 3:10am nanganak na ako. Bago kami lumabas ng hospital ay swinab parin ako at protocol daw nila at salamat ulit sa Diyos ay negative ang result. Salamat sa Diyos hindi ako ganon pinahirapan at pinatagal ng paglalabor 🙏🏻❤

My newborn baby
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

congrats

Post reply image