Pagmamanas sa paa @37wks
EDD ko na sa banda Sept 17 or 20 po since irregular period po ako, di ko masigurado ang LMP ko. Pero grabi nman tung pagmamanas ko. Kung kailan ako tadtad sa trbaho sa gawain bahay mas lumalaki. Compare kahapon na wla akong ginagawa, din nman ganito ka laki paa ko.😩😩
try mo po mag laga ng green beans momsh lagyan mo lng asukal tas yun yung kainin mo pati yung sabaw niya , and mag lakad2 karin sa mainit na buhangin or pwede rin sa kalsada wag ka mag slipper tas lakad2 ka sa mainit na daan . nakakatulong daw yun para mawala yung manas , since 37 weeks kana po pag mawala na yung manas mo sign na po yun na malapit kana manganak . pero sana po mawala din sya kasi may kakilala ako rito hindi nawala yung manas niya pati mga paa and pwerta niya minanas kaya ayun na CS po siya .
Magbasa panabsa ko din dito sa asian parent app na isa sa cause ng pagmamanas is ung pagod. mag exercise daily pero 30 mins ang nbsa q, or stay active. based sa pic, naka elevate na paa mo momy, baka nmn po sobra kaung napagod? may factor din ung mataas na pagconsume ng sodium at init ng panahon. Ang snsb ng mga nurse na kilala ko pag namanas is icheck po nag BP mommy. Not a good sign kapag manas tapos mataas po BP.
Magbasa patry nyo ung ke dr.willi ong. foot-legs massage upward. para maiihi yung excess water sa katawan na na stuck sa paa . tingin ko effective kht pano. manas paa ko kht 25wks palang 😂😂 ung lakad ng nakapaa d ko nakita sa google or advises based on research.
Magbasa paTry ko yan mi. kasi di effective ang lakad sakin. mas lumalaki pa nga 😂
Ganyan din ako mii yung parang kahapon lang ok nmn kinabukasan paggising ko biglang sobrang manas na kahit naglalakad naman ako. Now ang ginagawa ko kumakain ng monggo pampaqala daw ng manas yun e
nwala ba sayu mi? yung lakad na sabi nila di kasi umepekto sakin.
same po tayo mii. sabi nila ilakad lakad lang daw every morning. ihh halos maghapon kong nilalakad paa ko pero hindi pa rin nawawala manas ko. lahat n arin ng gawaing bahay ginawa ko na. 😭😭
drink more water po at itaas ang paa.. Pwede po kasi mataas ang sodium o asin sa katawan ninyo, kaya nag aaccumulate po ng tubig or yung pressure bumaba sa paa kaya nagmamanas.
sign po yan na malapit ka na manganak, ako kasi nagwowork tapos naglalakad pa, pero di na nawala manas ko nung malapit na ko manganak kahit anong gawin ko di talaga nawala
Ang hirap pa kasi wala kong magamit na sapatos sa work 😆, hirap mag buntis kasi lumalaki ang paa, lalo na kung size 40 na shoe size mo wala ka ng makikitang mas malaki pa 😆
sis Kaya po kayo minamanas Kasi po napipigil nyopo ihi nyo...wagpo nating pigiln ANG pag ihi para hndi po tayo manasin!!!!!!
at wag din po masyadong Tulog Ng Tulog nakaka manas dinpo Yun ..😌😌
Elevate mo yung paa mo lalo kung nakahiga ka kahit before sleeping lang para n rin syang exercise sayo.
ielevate mo yung legs mo mommy kapag uupo ka tapos inum ka ng madaming water.