Successful Delivery

Due via UTZ : Sept. 8 Due via LMP : August 31 DOB : August 21 3.2kg baby boy via Normal Delivery Share ko lang mga mamsh. Thanks god nakaraos na din ng safe and fast delivery. 6am labor na pala ako nasakit na ang puson and nag iintay ako ng mucus plug kaso wala iniintay ko rin sumakit balakang ko pero hindi rin nangyare. Dahil tuloy tuloy na yung pag sakit pumunta n ako ng lying in ng 9am at pag ie sakin 5cm na daw and mgnda daw kc malambot n ang cervix ko then bago mga past 10 ie ulit 7cm na then mga 11:30 pumutok na pnubigan ko ie ulit 9cm pinahiga n ako kya lng mataas pdaw c baby kya pinapa hingang malalim ako kada nsakit pra daw bumaba c baby then at 12:51pm yes lumabas na din c baby boy ko. Masakit nga lang yung tahi pero worth it dahil safe delivery and malusog c baby . Walang impossible talaga sa prayer and thankful din ako sa apps na to . Dami ko natutunan lalo na panu mapadali ang pagbukas ng cervix para dna abutin ng due. Goodluck sa mga mamsh na dpa nkakaraos kaya nyo yan. Pray pray lang. #1stimemom

Successful Delivery
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Me sep 9 edd, Base on LMP and ultrasound. Panay na sakit ng puson at panigas ng tiyan ko, Pero wala pa naman lumalabas na mucusplug sakin.

4y ago

sakin mamsh hindi ko nalaman kung kelan lumabas mucus plug ko. kakaintay ko naglalabor n po pla ako.

Congrats po Tanong ko lang po kung paano mapadali ang pagbukas ng cervix naten ? Kabuwanan ko na din po kase .

4y ago

ah okay thankyou po 😊

VIP Member

Halos same tayo ng EDD mommy hala ang aga mo manganak. i should file ML na talaga congrats and stay safe btw!

4y ago

full term naman na mamsh c baby ng 37 weeks. file na mamsh malapit nadin yan c baby mo

VIP Member

wow sana all! magkaduedate din tayo, puro paninigas pa lang nararamdaman ko 🥰

4y ago

try mo mamsh sa youtube may induce labor exercise dun.

congrats po.. buti k p nkaraos kn.. share k naman ng mga tips...

4y ago

thanks mamsh.. 😍

Ano po ginawa nyo para mapadali ang pag bukas ng cervix po?

4y ago

yes po. nagtanong din po kc ako gawa ng nababasa ko sya dito sa asian parent.

Congrats po💖Kailan po kayo nagtagtag ? Anong week po?

4y ago

bali po 36 weeks start na po ako ng walking pero dpa sobrang tgal mga 30mins to 1hr. then po nung malapit n mag 37 weeks uminom na ako ng pine apple tasz mas mtgal na lakad na po.

Pano po pinapa lambot ang cervix? Expecting daddy here.

4y ago

walking po. inom pine apple juice. and kung may reseta ni ob uminom din po primrose.

Paano ginawa mo para mapadali ang pag bukas ng cervis?

4y ago

walking po mga 1hr to 2hrs then inom pineapple juice uminom din po ako ng primrose. then nag exercise din po ako nanunuod ako sa youtube yung pang induce pero twice lang

Congrats mommy. Sana makaraos na din, August 30 EDD ko

4y ago

goodluck mamsh . makakaraos kadin.