My double loop cord coil story

DOB: March 9, 2022 Time:6:37 PM Weight: 5.94 lbs Name: Natalia Fraeyja S. Fernandez Mode of delivery: CS I had my regular checkup with my ob last March 8. I was 37-38 weeks that time. Nag ie si dra. 1cm and malambot naman na daw yung cervix ko. Tinanong ako ni doc kung gusto ko na manganak and I immediately said yes kasi hirap na rin talaga ko. So pinapabalik nya ako kinabukasan iaadmit na nya ko for induced labor. We went back sa hospital March 9 mga 9am. Naka admit na kami nag ie ulit 3-4 cm pero mataas pa daw hanggang sa nakailang ie na bumaba nman yung cm pero pag kinakapa mataas pa tlga si baby. I think umakyat na kami sa delivery room that time and continues pa din ang pag monitor sa akin dumating na rin si doc tapos ie ulit 7cm na dpat tloy2 na yun pero pag kinakapa tlga mataas pa din si baby. May mga contractions na rin ako and tinitiis ko na lang makababa lang sya. Ang dami ng nurse nag aassist sa akin nag inject na rin ng pang induced nag nipple stimulation din pero nakakailang ie na mataas pa din. I know that time kung ano na pwede mangyare w/c is emergency cs na hindi namin alam bakit ang taas pa dra even tried na putukin panubigan ko pero wlang maputok msyado tlga mataas pa. Dumating na yung time limit na 4pm ang walang pagbabago so cs na tlga. Dinala na ako sa operating room I think habang nagaantay dun may mga lumabas na blood sa akin and pati yung water dun pa lang bumulwak. While waiting sa operation umaasa pa din ako baka bumaba sya at manormal pa pero wala tlga. After operation, ayun nga double loop cord coil pala kaya hindi makababa si baby mahigpit dw sb ni doc kailangan nya tlaga tastasin yung cord. Thank God safe pa din si baby. Grabe yung experience parang nag normal at cs ako at the same time hindi ko expected talaga ksi my past 2 pregnancy normal at super dali lang. Iba2 talaga ang bawat pregnancy. Salamat na lang nakaraos na still recovering 💕 Ingat mga ka team march praying for your safe delivery as well 😘

My double loop cord coil story
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po nadetect sa BPS nyo na cord coil po si baby? ako po at 33weeks nadetect na po

3y ago

may nakita po pero nung nag repeat utz sinabi sa akin na hindi nman sya nakapulupot talga sa harap lng daw po pero wala sa likod kya hindi na ko nag worry, cgro po sa sobrang likot pumulupot ng tuluyan