BIGKIS

Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2545807548990746&id=2191214251116746

BIGKIS
36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kaya po nilalagyan niyan ay para na din po for protection. Pero ang bigkis di naman kailangan ilagay ng sobrang higpit. Dapat yung sakto lang na hindi nakakairita at makakahinga.

Ako po gumagamit ng bigkis mula sa panganay hanggang pangatlo ko. Pero hindi naman ganyan kahigpit. Saka kapag alam kong ok na ung pusod nila di na ako naglalagay pa ng bigkis.

Mommies, ilang beses ko lang nabigkisan lo ko lalo na nung natanggal/natuyo pusod nya tapos ngayon nakaluwa pusod nya. Baka po may idea sa inyo kung pano gagawin ko? Thank you

Okay lang naman po sguro magbigkis. Basta wag lang naman po yung ganyan kasikip. Proven ko naman po ang bigkis sa panganay ko. So far lumaki syang okay.

Ako yta wla pang 1week nag bigkis si baby ko Tinanggal ko na. Naiirita kse sya kse bumababa sa may pusod nya tpos nababasa pag umiihi sya. Kya tinanggal nnmen. 😆

Must read! Madami pa rin po kasi talagang makukulit at mas naniniwala sa mga sabi sabi 😌 kawawa ang baby wala pong masama maniwala basta di ikakapahamak ng bata

Tsk kaya bawal na talaga ang pagbibigkis eh tayo ngang matatanda kapag masikip yung nasa tyan natin ang hirap huminga yung baby pa kaya

Ok lang naman lagyan ng bigkis Ang baby Kasi kagawian na Yan noon pa pero wag Naman higpitan Kasi kawawa talaga..

Si baby di ko binibigkisan kahit sinasabi ng mga chismosa sa labas namin na bigkisan Kasi daw lalaki Yung tyan.

ung 2kids ko never nman nagkaganyan...ns tamang pag aalaga lng din tlg yan ng magulang 😊