Diko alam kung bakit lagi natataon na kada maiiwan ang bata sa mga inlaws ko laging nagkakasakit. Kelangan namin pumuntang Manila ng asawa ko kasi lilipat sya ng bahay since nagresign ako para ako na muna mag alaga sa bata nauwi ako ng probinsya àfter. 8mos palang baby namin weekend kaya nasa bahay sya ng inlaws ko. Paano kasi, pinapagod ng sobra tapos nakukulangan sa tulog. 1-2hrs para sa kanila matagal na yan kaya ginigising kahit kasarapan ng tulog. Tapos kahit may lagnat gusto paliguan. Buti sana kung sila mapeperwisyo at mahihirapan hindi ang bata. Nung unang nagkasakit sya, may work pa ako sa manila nun, nung pinacheck up di nila alam sagutin kung ano mga temperature na nakuha nila, eh paano di pala nila alam gamitin thermometer, di naman nila sinasabi para naturuan eh lagi namin sila kavideo call. Buti nalang pinapunta ko noon mama ko dun namin nalaman na di nila alam pano gamitin. Minsan basta basta nalang magpapainom ng gamot ni di pala nila sigurado minsan kung may lagnat o wala. Naiirita ako. Mapilit sila mag alaga hiramin ang bata di naman alam tingnan kung ano makakabuti sa bata.