Pagsakay sa motor
May di po ba magandang epekto ang pagsakay sa motor pag buntis? Magsisix months na po kong preggy pero still nakikiangkas parin po ako sa motor ni hubby papuntang work. Any advice? Suggestions po? Nahihilo po kase ako at sobrang sakit ulo ko pag nagppuv/bus since nasanay na sa motor kahit nong di pa buntis.

wag na po muna nag motor mi ako nag sisi ako mi 7months nanganak ako agad sa sovrang tagtag napaaga labas ni baby nasa nicu siya hopefully maka labas na siya ng maayos at makauwi na kaming dalawa 🙏🥺
Hanggang nag 9 months ako sumasakay ako sa motor nakatagilid. pero dahan dahan lang patakbo ng mister ko at iniiwasan yung malubak na daan. make sure lang po mami na hindi po kayo maselan
38 weeks na ako pero nakasakay parin ako sa motor nang mister ko, nakatagilid lang mas komportable ako at okay naman wala naman problema sa mga checkup ultrasound at lab ko.,
Kung di naman po maselan okay lang. Ako kasi nakabantay dn habang nagdadrive partner ko, kapag alam kong may lubak iaangat ko pwet ko. Nagdadrive din kasi ako motor hehe.
35 weeks momma here 🤗 sumasakay pa rin sa motor okay naman. Pero sundin mo kung ano advice ng OB mo in my case hindi naman maselan pagbubuntis ko kaya ayos lang.
kung maselan mi advise ng ob na huwag pero kung okay naman lahat ng findings sayo doble ingat lang kase baka matagtag ka ng sobra remember wala kapa sa 3rd trimester
Wala naman po maam. 1st pregnancy ko is nakikiangkas lang ako sa motor ng asawa ko. Tapos ngayon nagmomotor ako kahit 6months pregnant ako for my 2nd child.
ok lang naman po sumakay sa motor, ganun din po ako, mas komportable pa kasi compare sa ibang mode of transpo, basta nakapambabaeng upo lang...
how about e-bike 4 wheels po kaya? since mas magaan sya mas ramdam ang lubak, okay lang po ba sumakay throughout pregnancy? thank you!
25 weeks and nasakay din po ako sa motor basta side lang ang upo. matagtag kasi masyado pag tricycle lalo pag mababa ang upuan.


