I'm starting to get worried (medyo mahaba)

Di ko na alam iisipin ko. It feels like i badly need to share this para naman gumaan pakiramdam ko. Imma start na. Sa mga first time mommies po ba nakakaramdam kayo ng worry na baka mamanipulate yung baby nyo ng ibang tao, or ng relatives ng partners nyo or ng fam nyo to hate u? Ako kase medyo, sa side ng partner ko, ng mama nya. May ugali kase sya na pag gusto nya, masusunod dapat. Wala akong hinanakit sa fam nya, or sa mama nya wala talaga, I am thankful na mababait parents nya. Hanggang sa nung ipinanganak ko na baby ko. As a first time parent at teenager wala akong alam sa pag aalaga ng bata, ng baby. Kaya ako nagjoin dito for informations, knowledge para naman may alam ako diba? Di ako naasa sa payo nila. Eto na nga, meron akong mga ayaw na ginagawa sa baby ko, tulad ng kiss, panay buhat, pagyugyog, pagpatay ng ilaw (bumili ako ng bulb para sa baby ko dahil gusto ko nakikita ko sya kado one morning inalagaan nya si baby ng nakapatay yung both ilaw, as in yung labas lang ng bahay ang liwanag pero dim na dim kase maulan) , hindi tamang way ng pagbubuhat (like yung bubuhatin sa kilikili na para bang 6mos-1yrold na yung baby ko.) Pero nagagawa ng biyenan ko yon, masakit kase hindi ako makapagsalita, its like nawawalan ako ng karapatan, kase wala naman akong alam and marami na syang naalagaan. Meron pang times na magjojoke sya about sa mga ugali kong hindi maganda kumbaga nang aasar, like yung pagiging tamad ko, yep! Tamad ako, sobra NOON, ngayon, onti nalang tinatry kong magbago para sa anak ko naooffend na ako kase ayoko sa lahat binibring up yung mga kamalian ko kase parang tinatanggalan ako ng chance to change their perspective. Tapos, yung baby ko pag may napapansin syang mga ugali ng baby ko like parang gusto ng baby ko di na sya sumusupsop sa dede nya gusto nya tuloy tuloy ang labas ng gatas, sakin daw nakuha kase tamad (kahit joke yon, its freaking offending ya know) nangiti nalang ako at nasabay sa sinasabi nya. May times na pag medyo nagsstruggle ako sa pag aalaga kay baby bigla nyang kukunin, or sya nalang daw, alam nyo yon para kaseng nagmumukha akong mang mang at walang alam (alam ko tumutulong lang sya like ayaw nya ko mahirapan, pero kase kaya ko naman nahihirapan lang kase naguumpisa palang naman ako eh) may mga oras na kakausapin nya yung baby ko na si mamy mo ang ano ano pati si dady mo inaaway ka (pag naiyak si baby tapos di namin mawari) ayoko din kase ng ganon kase ranas ko yon eh, sinisiraan ng lola ko nanay ko sakin, as a bata, naniwala ako, kase nga naman lagi ako pinagagalitan. Ayoko ng ganon kase i cant control my baby's mindset about me. Natry syang sabihan ng partner ko kanina kase binuhat nya si baby ng sa kilikili ang hawak FYI 1 mnth and a half palang si baby. Pero ang sabi nya "alam ko ginagawa ko. " like ako whaaaaaaaat? Pero di nalanh ako umimik kahit masakit sa loob ko. Gusto ko din kase na magkaroon ng sariling paraan pano maaalagaan anak ko. Natatakot na ako sa kahihinatnan ng mga pangyayari, nagiging severe nadin pagaaway namin ng partner ko kase understood na dedepensahan nya mama nya, nahihiya lang din ako dahil nakatira ako sakanila eh, nirerespeto ko din sila. Pero minsan nakakadown na kasi. Masakit na kase parang bawal magsalita dahil nakatira ka sakanila, and wala kang alam sa pag aalaga ng bata, at di ka nakakaranas bg stress sa pagbabayad ng utang dahil sa hospital bill na pagkalaki laki. (170k emergency cs, dahil pumulupot ang umbilical cord ni baby sa leeg nya, 22hrs pang labor) I'm stressed out. I don't know what to do, or say. ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tiis lang muna sa ngayon mamsh, kasi wala ka magagawa sa ngayon dahil nakikitira nga kayo. Best way dyan is pakisamahan mo na lang ng maayos hanggat kaya mo kimkimin ung inis. Mag pakita ka pa rin ng mabuti kasi swerte pa din kayo may sumalo ng bill mo sa hospital, may kasama ka sa bahay para tumingin kay baby mo. Tanggapin mo na lang na may masasabi sila sayo kasi nga nakikitira kayo. Pag di mo po kaya, sabihin mo kay husband bumukod na kayo.

Magbasa pa
5y ago

Thankyou for replying, add ko lang din, kase sila ang kumuha sakin mula sa fam ko para daw safe malapit sa hospi ganon, kahit ayaw ng mamy ko (minor pa kase ako until now) pumayag sya kase gusto ko (nung una) ngayon kase parang gusto ko nalang umuwi tapos doon ilabas yung sama ng loob nakikisama naman po ako ng maayos. Medyo disturbing lang sa part ko. Btw, thankyou ulit po.