Possible ba mag buntis kahit may PCOS

Delay na kase ng 1 week at nag pregnancy test naman ako pero negative dapat kase december 17 ay mag kakaroon na ako kaya nagulat nalang ako na nag delay ako hindi din naman ako umaasa na mabubuntis ako kase kahit monthly ako dinadatnan eh may PCOS din ako kaya ask kolang po sa may mga PCOS din may possiblity poba na buntis ako or dahil lang talaga sa PCOS kung bakit ako delay

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes! Actually I have PCOS sa right ovary ko, lately ko lang nalaman nung nabuntis ako 6 weeks ako nun nung nakitang may bukol and thankfully yung bukol daw na yun is sasama paglabas ng inunan ng baby at hindi siya lumalaki kasabay ng baby ko. May ganung cases daw po kasi. Syempre even though you have PCOS, in order for you to get pregnant is to have a healthy lifestyle lang naman. 🩷

Magbasa pa