Gusto mong mag-travel? May VaxCert ka na ba?

Hi Dear Nanays! Mayroon na ba kayong VaxCert? Iba pa ito Vaccination Card. Ito ay magagamit sa domestic at international travel. 🤗 Ang VaxCertPH ay ang opisyal na digital vaccination certificate ng mga nagpabakuna sa Pilipinas. Ito ay nakaalinsunod sa WHO Digital Documentation of Covid-19 Certificates (DDCC) guidelines. Sa ngayon na ito ay naka-soft launch, ang mga naninirahan sa NCR/Baguio at mga OFWs pa lamang ang mga makakakuha nito sa https://vaxcert.doh.gov.ph/. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang FAQ sa menu ng website. 🙂 Paalala: Kung sakaling ikaw ay kukuha o kumuha na ng VaxCert, iwasan ang pag-post nito sa social media para sa iyong seguridad at privacy. Sali na sa aming Facebook community, Team BakuNanay para sa mga impormasyon tungkol sa bakuna: https://www.facebook.com/groups/bakunanay @theasianparent_ph @vipparentsph #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll #dearnanaykat

Gusto mong mag-travel? May VaxCert ka na ba?
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Already have my VaxCert!😊