Gusto mong mag-travel? May VaxCert ka na ba?

Hi Dear Nanays! Mayroon na ba kayong VaxCert? Iba pa ito Vaccination Card. Ito ay magagamit sa domestic at international travel. ๐Ÿค— Ang VaxCertPH ay ang opisyal na digital vaccination certificate ng mga nagpabakuna sa Pilipinas. Ito ay nakaalinsunod sa WHO Digital Documentation of Covid-19 Certificates (DDCC) guidelines. Sa ngayon na ito ay naka-soft launch, ang mga naninirahan sa NCR/Baguio at mga OFWs pa lamang ang mga makakakuha nito sa https://vaxcert.doh.gov.ph/. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang FAQ sa menu ng website. ๐Ÿ™‚ Paalala: Kung sakaling ikaw ay kukuha o kumuha na ng VaxCert, iwasan ang pag-post nito sa social media para sa iyong seguridad at privacy. Sali na sa aming Facebook community, Team BakuNanay para sa mga impormasyon tungkol sa bakuna: https://www.facebook.com/groups/bakunanay @theasianparent_ph @vipparentsph #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll #dearnanaykat

Gusto mong mag-travel? May VaxCert ka na ba?
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wow meron na palang Ganyan ma

VIP Member

Already have my VaxCert!๐Ÿ˜Š