Baby's bowel movement

Dapat na po ba akong mabahala? Kagabi, 5 times po nagpoop si baby. Madilaw na may laman laman naman po. Malakas pa rin naman siya dumede (mix BF and formula). Hindi din po nilalagnat. Ngayon naman po, nakaka tatlong poop na si baby. Same pa rin po, madilaw na may laman laman. Sabi ng nanay ko and nga sister-in-law ko na nurse, okay pa naman daw po yun, since di naman daw mabaho ang poop and may laman laman naman tsaka di naman daw nilalagnat. Ang masama daw po kapag may lagnat, watery poop and may amoy tapos di dumedede. Pero di ko pa din maiwasang di mag-alala. Ano po kaya dapat gawin? #pleasehelp #firstbaby #1stimemom #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ilang months na po si baby? If di naman po maya’t maya yung poops nya, okay lang po yun mommy.

4y ago

yun nga daw po sabi ng ate ko. salamat po, nakampante na kami ni mister ngayon 😊