Rashes?????

Dami ganto lumabas sa binti at braso ni baby ko. Nagkaganto din po kayo? Ano po nilagay niyo?

Rashes?????
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mommies. Thank you po sa lahat ng replies niyo. di ko na kayo nasagot dahil sobrang busy at kumalat sa buong katawan ni baby ko yung rashes niya (head to toe). Ngayon na lang ulit ako nakareply to share that she's getting better na. it's been a month since I posted this pero ngayon pa lang sya pagaling. Hindi effective yung unang mga reseta sa kaniya ng derma nya and binigyan sya ng bago nung nagpa check up ulit kami nung April 11. So far nawawala na rashes at mga sugat niya pero naka sched pa kami bumalik this week for follow up. In-edit ko yung post and in-add ko yung before and latest pics niya.

Magbasa pa
TapFluencer

nagkaganyan SI baby ko. madami pinachange samin Ang pedia nya, like sa milk, sabon, detergent na ginagamit sa paglalaba Ng damit nya, vitamins, tapos niresetahan din Siya cetirizine for 7days lang. kaya mas maganda consult your pedia Po Kasi madaming factor bakit nagkakaganyan SI baby, my allergy, lactose intolerant, harsh masyado Ang detergent etc., idagdag mo pa baka namana, like sakin may skin asthma ako kaya Yun nakuha ni baby sakin, kaya mas double ingat kami sa mga ginagamit nya,

Magbasa pa

aww wawa naman si Baby. mommyntry nyo po itong Tiny buds in a rash ito lng gamit kocsa baby ko super effective sya. Saaken din mismo nakatulong to kasi after ko manganak ung kili kili ko prang nasunog malala pa jan, dami ointment mamahalin bnili ko tulad ng elica, calmoseptine pero hndi gumaling. Itong In a rash lang ni tiny buds naka gamot. Baka po makahelp din kay baby merun po sa shoppee or lazada mas mura lalo pag flash sale.

Magbasa pa
Post reply image

Nagkaron ng ganyan pamangkin ko sa dibdib, likod, braso at legs, pinacheck nila sa ritm skin fungi daw then dami nireseta pero bagal ng progress kaya tnry namin yung elika ointment. Ayun nawala naman na. Better pacheck po parin po siya.

ganyan dn po si 2nd baby ko last year. pinag steroid pa since skin asthma dahil may history ng asthma ung daddy nya. ceterizine mild soap maraming changes ngayon umokay okay naman na sya always put lotion din po

check beddings and yun sabon pang wash ng damit ni baby. kasi kahit mag anti-histamine pwede bumalik if un source di makita. sana maging okay na si baby

para siyang eczema mommy , better pa derma na po kayo, ganyan din po kase itsura ng eczema ko lalo na po pag nagflare up.

VIP Member

use mild soap mi..kawawa naman si baby or you can use lactacyd baby ung blue super ganda non sa balat

VIP Member

parang ang kati. sana gumaling na si baby

TapFluencer

hoping maging ayos na po si baby.