Missed Vaccine Boosters

Dahil sa pandemic, I am sure marami sa atin ang naka miss ng vaccine and even boosters ng mga anak natin. Isa na ako roon. Nung bumalik kami sa pedia namin last month, tinanong ko kung may possible bad effect ba ito? Ang sagot? Wala naman pero kailangan i catch up natin ang mga missed vaccine nila and even boosters. Hanggat maaari sundin ang schedule nito dahil doon ito pinaka epektibo ngunit sa ibang kadahilanan na ma miss mo ito, hindi mo na kailangang umulit sa simula. Konsultahin ang inyong pedia para malaman nyo kung kailan nararapat iturok ang bakunang inyong namiss. But overall, wala tayo dapat ipagalala dahil marami din talagang nakakamiss ng bakuna ng mga anak nila sa panahong ito. #BakuNanay #missedvaccine #missedvaccineboosters

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Agree ma. Dinala din namin si Z sa pedia niya before just to check kung may namiss din kaming bakuna.

Super Mum

agree.