I am Covid positive

Currently @ 39weeks. Sobrang nakakadepress.. ung iba dito kung ano ano na ung ginagawa para mag labor.. samantalang ako naka bedrest.. dapat hindi ako mag labor hanggat di ako ma swab ulet. Aside from that , dapat mag negative ang result or else x5 ang bill ko sa hospital. Hindi ko alam kung san ko nakuha ang virus dahil hospital bahay lang ako.. baka dun din sa hospital na pinag papacheck-up ko. I am hoping na walang effect sa baby ko ang virus. So far very active si baby sa tummy ko. Ngaun sa prayers lang ako kumakapit na sana mag negative na ako bago manganak and maging healthy and ok yung delivery ko. Ayoko isipin dahil bawal ma stress pero di ko tlga mapigilan mag worry. Sobrang down na ako.. 😔 Anyone na nanganak ng covid positive? Pa share nman ng experience nyo.. #1stimemom #advicepls

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nga sis nilalagnat ako last few days dhil sa uti ko...malala ndaw uti ko kc sinakyan ng sugar ko...kya siguro ng mga nkaraang linggo may discharge n sakin n parang sipon may halong dugo.😥😥noong sumugod ako sa hospital ng sampaloc sabi 1cm.pero kong tuloy²x ndaw ang hilab.ndi n ako pwed bumalik gawa ng punuAN N DAW. so nahlipat ako ng fabella.tinangap namm nla ako ok namm daw heartbeat ni baby pag i.e nga lang sakin.close servx pa kaya uwi n nmm kami...nitong 14 lang may discharge n anamm ang dami parang sipon prin may halong dugo.so inignore ko lang ganun rin kong ura urada ka pupunta ng hospital wla ring mangyayari.uwi prin ending ...pagka 17 ayun inaapoy n ako ng lagnat.lahat ng symptom ng covid randam ko.😥😥🤒🤒🤒38.2° mahirap huminga.msakit ang ulo subra.tapos nagsususka...pero kinabukasan n ako sumugod sa hospital pinahupa ko muna lagnat ko.so solo flyt lang ako ngpunta s hospital kc pumapasol n lip ko strbho...😭😥😥subrang hirap n kalagayan ko.pagdting ko sa fabella ulit tinangijan n ako kc nabangit ko may sinat ako kgabi.so agad2x sabi nla dpat sa PGH ako dumetso..😓😥😥pero ndi n ako mainit nong oras n yun.kaso prang nandidiri agad cla n mga nag iinterview sakin .😥😥wla n akong mgawa.umuwi nlang ako sa bhay.dhil hinang hina p ako...ako lang mag isa nglalakad ...ndi p mga cgurado n may covid tlga ako.down n down n mga ako sa sarili ko😭🥺😥😥😥ganito pla pakiramdam kong halimbawa man n positive...parang lumalayu mga tao sau. im 38weeks &6days now...pray lang ang tangi kong Alas.kaya sa awa ng Dios now ok na ako ndi n ako nilalagnat...waiting nlang kong khlan maglabor.loobin sana mlaraos n tau mga momshie...tiwala lang sa taas..stay safe s lahat...

Magbasa pa
4y ago

i feel u mommy 😥😥😥, umuuwi kmi ng lip ko dto sa La Union from Baguio so need nmin mag stay lng sa bhay for 14days pru 10days plang kmi ni lip dto kinagabihan nag spotting aq 32weeks plang aq nun kya nag alala kmi ni lip ko bka anu mangyari sa baby nmin , kya kinaumagahan pumunta kmi agad ng ospital , ayun pg dating dun aq lng pinapasok naiwan sa lbas ang lip ko, daming tanong sa loob at un nga cnbi ko kakababa lng din nmin gling baguio , dun n start un mrming cnsabi ung ob at assistant nia pti ung mga nka pila n mga buntis dun na nag ppacheck up nkatingin na sakin, taas baba kung titigan nila ko at kung pnu nila ko iwasan,, sobrang sama ng loob ko nun, dahil my med.cert nmn aq katunayan na wla ko sintomas ng covid, after aq macheck ng ob na pra bang diring diri sakin, cnbihan p nia ko na umuwi n aq at baka mkahawa p daw aq 😭,, gusto ko awayin ung ob pru mas pinili ko nlang mnahimik pra nrin sa safety ni baby ko😔

meron akong kilalang ganyang senaryo covid positive at 37weeks, same situation ned mag quarantine at bawal mag labor as long as hnd pa tapos ang 14days, pero pang 5th day pa lng ng quarantine nag start na mag labor. so no choice need nya na manganak, pina-anak na sya kht naka isang negative result sya at ang rush yung 2nd swab test nya kc nakaka-3days pa lng sya naka-quarantine. on the 6th day nanganak sya.. no more swab test, hnd din ti-nest yung baby (asymptomatic ang mother), then after 3days umuwi na sila ng bahay.. lahat yun nangyari during 14days quarantine.. naghanap nga pala sya ng new ob kc hnd nagpapa-anak ng covid positive ang totoong ob nya. luckily mabait ang new ob nya. at hnd mhal ang singil sa kanya normal na bayad sa cs lng. depende sa ob yan mommy. at pray lng.. may ob na hnd nag rerequire ng swab test before manganak. if asymptomatic kayo try na mag pa-swab test soon (drive-thru).

Magbasa pa

Hi sis. Covid positive din ako nung 37th week ko and natapos ko yung 14days quarantine tapos reswab ako nung 40weeks na ko pero wala pang result nanganak na ako emergency cs pero buti nalang mabait yung OB ko na pinaglaban nyang wag ako isama sa mga covid positive kasi sabi ng DOH once matapos mo ang 14days quarantine good as recovered ka na from covid. While recovering sa hospital and kung kelan yung day na lalabas na ako at uuwi na sa bahay dun lang lumabas yung result na negative. So far naman 1month and 17days na si baby ko healthy naman sya. Ganyan din ako nung nagpositive ako I always pray na negative ang result ng next swab ko at maging healthy si baby. So think positive ang claim mo nang negative ang result mo sa next swab mo ❤️ kaya mo yan sis malalagpasan mo din yan at makakasama mong healthy si baby mo ❤️😚

Magbasa pa
4y ago

momsh ang swerte mo sa OB mo.. sang hospital ka nanganak? Sana mag negative din ako and maging healthy si baby... thank you momsh napalakas mo ang loob ko.. ❤️

nanganak na po ako nung nov.15 via cs po.wala pa po akung swabtest nun pagkatapos lumabas si baby dun kami nilagay sa covid area naka suite room kami hindi kami pwde lumabas kinabukasan swabtest na ako lagi ko pinag dasal na sana negative..ayun good news po lumabas po ang result its negative.ang saya ko kinagabihan nilipat kami sa ibang room wala na kami dun sa covid area..un lang po mahal ng binayaran naming bill kasi naka private hospital kami.bali 5 days kami dun sa hospital hinintay lang po na makapopo ako para pwde na po umuwi .

Magbasa pa
4y ago

OMG.. less na ung philhealth mo dun? anong hospital ka momsh?

na admit dn ako for 17 days kc ng positive dn sa COVID @ 28 weeks hndi na ako ng taka saan ko nakuha since frontliner ako at ang ospital san ako ng work is COVID referral ospital ng gobyerno meaning COVID lng ang kini cater nmin minomonitor fetal heart beat ni baby every 4 hrs continue pa dn mga vits min ko while nka admit like ferrous, multivits, ascorbic at vit D very active nman c baby sa tummy ko after 17 days nka 4 swab ako 3 are all positive and pang 4th saka ako ng negative

Magbasa pa
VIP Member

nagkaron kami ng zoom session ng pregnant mommies and theasianparent with OB.. malaki percent na negative ang baby.. kc remember ang covid can be transmitted only directly lalo n s laway. talsik ng laway ganian.. nd pa blood direct.. kaya once na mailabas si baby kelangan doible ingat sknia para nd sya mahawa. lagi ka mag mask.. pray hard mommy.. have Faith po. vitamins ka po. follow lang advice ng OB .. praying mag negativ ka before delivery. 🙏🙏🙏

Magbasa pa

Nag positive din ako sa covid nong 33 weeks ako and after ng 14 days ko, nagpa re-swab ako and came out positive parin pero nireffer ako ng ob ko sa isang ob na special for infectious deaseas binigyan nya ako ng certificate na i am fully recoverd na since tpos nako ng 14 days and wala na any symptoms, pero ni required padin kmi ng ob ko na mag pa swab on my 37th weeks kasi protocol . sana gumaling kana mommy and have a safe delivery😊 laban lng❤

Magbasa pa
4y ago

hindi po ako naospital, pinag home quarantine lng ako and nakausap lng namin ob thru online...

Dont loose hope mamshie, may friend ako na nag postive sa covid, tapos nung nanganak sya, negative baby nya. Asymptomatic sya, sa bahay lang nag quarantine. Sa ngayon si baby nag stay muna sa kamaganak nya... May hospital na tumatanggap ng covid postive, sa PGH. Getwellsoon mamsh, wag magpa ka stress. Malalamapansan mo din iyan.

Magbasa pa

mommy wag kayo masyado mag worry basta at ma stress kc lalo bababa immune system mo basta palakas ka lng ng katawan.. im covid survivor last july 4 months pregnant.. wala nman daw effect kay baby ang covid.. bawal malungkot mommy, maging matatag ka lang. prayers for u and for the baby🙏

More on pahinga ka mommy, nakakatulong ang pagtulog para makapagpahinga ka ng maayos. Lagi ka rin po mag water at magpaaraw ka kahit konti, kung saan yung may araw sa loob ng room mo. Samahan mo na rin po ng prayers mommy.