Paggalaw

Curious lang ako mga momshy. Gaano kadalas at paano mararamdaman paggumagalaw si baby sa tummy niyo. Para sa mga 1st time preggy ba dito alam niyo agad kung siya ba gumagalaw o nanghuhula kayo. Weird kase parang feel ko di nagalaw tas maya maya may parang gumalaw na ewan hahahaha please share niyo naman experience niyo.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako palatandaan ko pag magalaw sya, gutom na kami or need ko na uminom ng vitamins ๐Ÿ˜… 'di ko alam kung nagkakataon lang or sadyang nireremind lang ako ng anak ko (makakalimutin daw kasi nanay nya ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚) tapos pag hindi ko sya pinapansin sobrang galaw nya, pag pinapansin ko naman humihinto ๐Ÿ˜… sabi ko sa hubby ko "ngauon pa lang pang-asar na anak mo" hahahaha. Pag pinaparinig ko sya ng music, nagreresponse sya pag mabilis ang beat hahaha. sobrang nakakatuwa maging 1st time mom ๐Ÿ˜

Magbasa pa
6y ago

Snbi mo pa

21 weeks preggy ako sis. Nag start ko nafeel yung galaw ni baby nung 18weeks pa lang, parang may pumipintig sa loob ng tummy ko and madalas hindi pantay yung tummy ko kasi nasa left side siya lagi. Lalo na sa gabi pag nakahiga ako, pinapatugtugan ko na lang sya ng mozart music, minsan habang nasa work din ako malikot din sya. Hehehe

Magbasa pa

usually magalaw sya pag tapos kumaen or habang kumakaen or pag nakahiga at sa gabi...pag dating nyo ng 3rd trimester nako mag rereklamo.nlng kayo sa super likot halos hndi na makatulog kase super active talga sila pag gabe

6y ago

So bale 3rd trimester pala ang paglikod ni baby sa bump. Ngayon 5months little movement palang po pala

VIP Member

first time kong naramdaman galaw niya ay 18 weeks kasi may tumutusok. ngayong 27 weeks na ako, sobrang likot na niya. minsan yata sumisipa sa tyan o kaya sumusuntok malapit sa pantog ko since una ulo ni baby.

6y ago

Hehehe naeexcite kase ako sissy pero wait pa tayo gang 6moa baka dun na magwala wala to at dun naman ako magreklamo kakagalaw niya hahaha

naka2 paranoid nuh, aq kagabi natakot aq (19 weeks aq, ) kagabi gumagalaw ,pero nung madaling araw ayaw nya na, nakatulog kac aq ng nakatihaya mga 30 minutes, nagtampo ata, pero nung umaga ok nmn na.

6y ago

Sinabe mo pa. 19 weeks ako bumukol siya kase sinasabe ko sa mama ko wala pako nararamdaman as in yung feel na feel mo kumbaga nagpapansin siya. Pero ngayon behave naman o di ko lang talaga napapansin galaq niya

ngayon po parang may party Sa loob ng tyan ko Minsan depende sa oras.. may times n suntok, or sipa depende Kay baby.. yung akin kasi minsan magalaw sa hapon minsan sa Gabi, o Di Kaya sa umaga

6y ago

try to listen some music.. iparinig MO kay baby ganun kasi minsan ginagawa ko

kadalasan ko nararamdaman si baby sa gabi pag nakahiga na ko para matulog, galaw sya ng galaw, eh sa puson pa nman ramdam ung sipa nya kasi suhi po posisyon nya. sana umikot na si baby๐Ÿ˜

6y ago

Parahas tau suhi p kaya kadalasan s puson tlaga sya marrmdamn

ngyon 33weeks na xa sobrang likot prng ngwawala sa loob tapos dalawa yung bumubukol bt gnun? sabi ko nga ang haba nmn nya kc db nakabaluktot cla pero sa transv q single nmn nklgy

nung 20weeks ako momsh ganyan din, pero mararamdaman mo naman sa puson mo pag gumagalaw talaga tsaka bumubukol sya kasi. minsan naman di gumagalaw lalo pag my ginagawa ka.

6y ago

lapit mo na pala malaman gender ni baby. โ˜บ๏ธ

VIP Member

22 weeks plang sakin pero napakagalaw Ng baby ko. Lalo na pag Gabi Yung nakahiga na aq at nagpapahinga. makikita mo tlga Yung tiyan ko na umaalon sa galaw niyaโค๏ธ

6y ago

Wow excited naman ako... 20weeks kame ni baby eh.