C.T.T. O.
#Repost
Bakit delikado ang "komunsulta" sa kapwa nanay at worse, thru social media pa, imbis na sa lisensyadong doktor lalo pagdating sa mga sakit ng bata?
Ang inaanak ko po ngayon ay for transfer sa mas malaking ospital na may mga specialist (pulmonologist) para sa bata. Severe case ng pneumonia, nakatubo, 4-month-old baby girl.
Ang siste, imbis na dalhin sa doktor, pinainom muna ng mga popular na katas ng dahon kasabay ng gamot sa ubo na nirekomenda sa facebook ng kapwa nanay kasi nga magkasing-edad mga anak nila (ni hindi magkatimbang). Ang bata, "nag-improve" naman daw pero bumalik ang sintomas at mas lumala pa. Buti naisugod agad sa ospital at natignan ng doktor, kaso need nang tubuhan ng bata dahil bumababa ang oxygen saturation nya sa katawan dala ng napakaraming plema at pamamaga na ng baga. Mabuti at buhay ang bata at presently ay stable naman pero on close monitoring pa din. Sobrang nagsisisi ang nanay nya, alam na alam nya sa sarili nya na sya ang may fault kung bakit lumala anak nya.
Now, bakit delikado ang "komunsulta" sa kapwa nanay at worse, thru social media pa, imbis na sa lisensyadong doktor lalo pagdating sa mga sakit ng bata?
Warning: Medyo harsh.
1. Una, karamihan satin ay hindi naman aral sa medisina at pharmacology. Dun pa lang, wala na tayong karapatang magrekomenda ng gamot. At yung mga aral at lisensyadong magreseta ng gamot ay hindi din itataya ang lisensya nila sa pagrerecommend ng gamot nang hindi pa nila naeeksamin ang pasyente lalo na kung dito lang sa facebook yung "consultation".
2. Karaniwang advice ay yung mga katas ng oregano, dahon ng ampalaya, malunggay, calamansi, HONEY, etc. Ayos lang ang mga herbals at honey para sa ating adults o kahit sa older children PERO HINDI PARA SA MGA SANGGOL. Ang recommendation ng World Health Organization ay based sa years of research and studies, at ang karanasan at testimonya ng ilang nanay ay hindi sapat para pabulaanan ang mga recommendation na yun at gawing basehan para masabing mali ang WHO o DOH pag sinabi nilang bawal ang mga halamang-gamot at honey sa mga baby. Sasabihin ng iba, "okay naman ang anak ko, masigla naman". Sa ngayon oo, okay sya, pero di natin maaalis ang posibilidad na habang lumalaki sila lalabas yung mga problema. Oo okay ang anak mo, pero hindi ibig sabihin nun na magiging okay din ang ibang sanggol sa ganung practice. Ika nga, " if it didn't kill your child, it's not a guarantee that it will not harm others". Hinay-hinay sa pagpapayo at pag-try ng mga suggestions.
3. Pwedeng ma-mask ng hindi niresetang gamot yung sintomas at severity ng totoong sakit ng bata. Katulad ng sa inaanak ko, akala ng nanay nya nag-improve, pero yung pinakacause ng ubo nya ay hindi nainuman ng tamang gamot kaya lumala. Hindi na sana hahantong sa gantong suffering yung bata kung una pa lang napakonsulta na agad sa doktor. Mas napamahal din tuloy ng gastos ngayon sa ospital.
Bakit nga ba naging trend na sating mga nanay ang humingi ng medical advice sa facebook, sa kapwa natin nanay? Tipong ang sipag pa mag-type ng iba ng mga sintomas at history ng kasalukuyang sakit ng anak nya, akala mo sa doktor talaga nageexplain eh. Bakit nga ba?
1. Dahil tinatamad? Masakit na katotohanan pero sa obserbasyon ko sa ibang posts sa iba't ibang groups, isa yan sa nakikita ko kung bakit umaasa na lang sa facebook. In denial pa nga yung iba eh kahit "go to ER" na natatanggap na comments eh, sasagot pa din ng "hindi naman sya ganito ganyan na eh" pero super worried pa din sa lagay ng anak nya.
2. Dahil walang pera? Mga inay, nung naging magulang tayo, siguro naman mas nag-matured na tayo at madiskarte. Bukod sa mga libreng health centers, anjan naman ang mga friends, kumare/kumpare, kapitbahay. Manghiram ng pera. Magsanla ng cell phone o kahit anong appliances. Kapalan ang mukha. Diba ang hirap magkasakit? Pano pa yung nararamdaman ng anak mo? Lalo na yung mga sobrang baby pa na walang kakayahang tulungan sarili nila. Tayo lang aasahan ng mga anak natin.
3. Dahil walang tiwala sa mga doktor? Pero sa mga advice ng mga nanay may tiwala. Ironic. Nababasa lang nila mga sinasabi mong sintomas at nag-aassume na pareho sa anak nila. Hindi nila nakita nang personal anak mo, hindi sila nag-physical exam sa anak mo at nag-interpret ng results ng mga diagnostic tests nya. Pansin mo bang hindi ka man lang ininterview ng kapwa mo nanay regarding sa complaint mo sa kondisyon ng anak mo, basta na lang may "diagnosis" at "medical advice" at reseta agad. Deserve naman siguro ng anak mo na matignan ng propesyunal at malapatan ng tamang lunas. Wag natin ipagkait sa mga bata yun, besides, nasa list yan ng mga karapatan nila. Wag naman tayong mismong mga magulang ang magkakait sa kanila ng karapatang yun.
4. Dahil hindi nahiyang sa unang niresetang gamot? Ang tanong eh, naka-at least 4-5 days na ba yung gamutan? Nasa oras at tamang sukat ba yung binibigay na gamot? Kung tingin nyo wala talagang improvement, ibalik sa pedia.
5. Dahil walang emergency fund? Same, mangutang, gumawa ng paraan para makabili ng tamang gamot na nireseta ng doktor na nagcheck up sa anak mo, hindi ng nireseta sa anak ng nagcomment sa post mo. Kung kaya paglaanan kahit konti, magtabi ng pera para sa mga emergency. Sasabihin ng iba pangit yung nagtatabi for emergency kasi parang pinag-iipunan yung sakit (di ko magets yan, eh lahat naman ng tao kahit kumpleto sa bakuna eh may chance magkasakit). May pampa-rebond nga at pang-load yung iba, pang-emergency ni lo wala?
Sa mga nanay na mahilig magrekomenda ng gamot, be responsible din po. Yes, gusto lang natin makatulong at sumagot sa tanong ng kapwa-nanay natin. Pero laging isipin yung mga risks at kapakanan ng bata, baka imbis na makatulong eh mas makalala pa. Tandaan din na may mga sakit na sobrang magkaiba pero parehas ng mga ipapakitang sintomas. Kung gustong makapag-advise, best advice to give is papuntahin sa doktor lalo kung very alarming yung shineshare nung mommy na sintomas sa post nya. At sa mga makakatanggap ng ganung comment, wag sasama ang loob nyo kasi para sa safety yan ng baby mo. Kung magkamali sila ng advice at namatay ang anak mo, may lisensya bang marerevoke sa kanila? Madedemanda mo ba sila? Wala kang magiging habol. Kaya ingat-ingat sa pagsunod sa mga payo.
Let's be more responsible parent. ✌💟