Ano po opinion nyo?

Crowdsourcing lang po. If ever po afford nyo ang bakuna pipiliin nyo pa rin po ba sa health center? May pros and cons po kaya kung saan magpabakuna? Thanks po. #vaccine #1stimemom #firstbaby #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hi mommy. In our case po sa pedia lahat ng vaccines ni baby kasi yun po ang mas convenient sa amin, mas panatag kasi kme na si pedia mismo ang tuturok kay baby at every vaccine nya may kasama na rin check up. Within budget na rin po tlaga ang vaccines ni baby, tinatanong ko na agad ang price ng next vaccines para maiprepare ko na at maitabi na ang pera. Nasa sa inyo pa rin yan momsh, kung ano sa tingin nyo na panatag kayo yun po ang piliin nyo, okay dn naman po sa center nirecommend dn sya ni pedia na pwede naman sa center kunin ang ibang vaccines ni baby 😊

Magbasa pa

thanks po sa inyo. anyways po unang turok po ni baby is dpt tas drop ng polio sa health center tas nung nagpacheck up ako sa pedia tinurukan sya ng sa rota at pneumonia(di pa ako nakaka oo kasi wala sa budget) pero go pa rin sya. tas gusto din po nya ulitin turok sa health center next check up namin pero ung ituturok daw po nya is all in one na unlike daw sa center na ilang ulit? kaya medyo na off ako sa pedia ni baby eh..

Magbasa pa
VIP Member

Before kami madischarge non sa hospital,sinabihan kami ng pedia na may choice kami wether sa kanya or sa center kami magpapavaccine. Inform lang daw namin sya. Same lang din naman daw kasi,brand lang ang nagkaiba tsaka may mga vaccine lang na hindi available sa center. Anyways,mas pinili na lang namin mag pedia kahit pricy since mas convenient sya and mas gusto ko na iisa lang nagtuturok kay baby,mas kampante ako.

Magbasa pa
VIP Member

Dati kami nagpapabakuna sa opd charity, kaso kawawa ang bata di ka ililista pag di kasama ang bata aabutin hanggang 3 oras bago ka matapos balagbag pa minsan humawak ng bata porke walang bayad. nagprivate nalang kami, halos di naman magkalayo ang presyo nagkaron lng ng pf. if afford mo naman mommy at kung makita mong mahirapan ang baby magprivate knalang pra di rn maexpose ang baby mo sa tao

Magbasa pa
VIP Member

Para sa akin mommy, i-avail ko po yung libreng bakuna sa health center regardless ano pong brand na gamit nila. Tapos yung wala po doon, kukunin ko po sa private hospital/clinic/doctor. As long as safe si baby ko po. Pero kung afford naman po na lahat kunin sa private, okay lang din po. Basta kumpleto sa bakuna si baby. ☺️

Magbasa pa

Sa case namin mommy, nagsuggest din ang Pedia ni baby na pwede naman sa center kasi almost same lang din naman sila. Pero kung halimbawa afford ko ang bakuna, pipiliin ko padin sa center libre pa. Itatabi ko na lang yung extra money kung may emergency man si baby.

4y ago

Oo nga po, pansin ko din yon mga naka kotse hehe.

Super Mum

According naman sa pedia ni baby, okay lang din naman ang mga vaccines sa health centers and di naman sya against dun kasi almost the same content lang naman daw. Sya pa nga nag advise samin na sakanya na lang daw ipa vaccine yung mga di available sa centers.

ever since sa health center po kami. libre pa po ang pagbabakuna. lalo ngayon may pandemic napakamahal sa private clinics or hospital magpabakuna, eh same lang naman ng gamot at effect kay baby. so practicality wise health center po.

VIP Member

Private kapag di available vaccine sa Center. Pero sa case ko nagttext yung Nurse eh. Tapos priority kami. Lalo na ngayon na may pandemya, sinisigurado niya na wala na mga tao bago niya kami papuntahin. 😊

Ako una nag private ako. Kaso na realize ko same lang naman yun sa healthcenter. Ang ginawa ko yung mga wala sa center yun ang naka private. Para yung pera mabili ko pa ng gatas at ibang baby needs.