Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May napanood akong vlogger na nurse. Sbi nya same lang daw ung vaccine sa ospital at sa center.

Saanf pedia yan? Mas mahal p sa st lukes yan ahh bakuna 11k ? Sure ka ba mommy?

pedia and clinic reveal naman po para maiwasan namin yang rude doc na yan

okay lang naman health center may baby talaga nilalagnat after vaccine

wag k magalala normal lng sa baby bagong bakuna nilalagnat

tempra po try ninyo center lang din baby ko πŸ™‚

Mas maganda pa nga ang center mag bakuna eh!

TapFluencer

Hanap na lang po iba hehe

hanap ka ibang pedia.

change pedia po.