Gamot galing sa center

Cno po yung umiinom ng ganito, ok po ba ang lasa?#1stimemom

Gamot galing sa center
177 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po yan yung iinumin ko upto May 2021. Ironic yung lasa. Hehehe. Pero nasanay na ako kasi yan din ung iniinom ko kapag may period 3yrs na. then, sa work ko po may #ironday kami nung face to face pa. Ipinapainom yan sa Grade 7-12 females. Nagrereklamo sila kasi lasang kalawang daw. Hehehe. Kaya sinasabayan ko sila with todo explain pa sa benefits and importance nyan sa katawan ng babae. Pero pwede ka naman po magpa consult sa private then reresitahan ka nila ng other brands. Sa RHU Birthing Clinic ka rin po nanganak momsh? ❤️

Magbasa pa
4y ago

*after birth na po ako nag take nito, pero while pregnancy journey other brands po. 😇

kung lasa po ang tatanungin, kakaiba po talaga ang lasa. hehe.. ang ginagawa ko nalang para hndi ko sya malasahan ng grabe, sinasabay ko sya sa pagkain ko. some of them ang sabi ay itake daw ito sa morning, esp pag walang laman ang tyan. mas effective daw.. pero may nag sabi din naman once na tinake mo ito ng walang laman ang tyan, ang tendency naman ay sisikmurain ka or hahapdi ang tiyan mo. so far, ang pag inum ko nito ay tuwing gabi, kasabay ng hapunan. wala naman akong ibang nararamdaman na kakaiba. 😁

Magbasa pa
4y ago

btw, I am 16weeks pregnant po. once a day ko lang po ito tinatake. 😁

VIP Member

It doesn't taste good, but the baby and us need it 😊. Pero on my end I didn't continue taking that kasi may side effect sya sakin. Lagi ako nagpapalpitate, masakit ulo at hilong hilo to the point na muntikan na ko mag collapse, pero nung tinigil ko inom nyang galing sa center na ferrous I feel better naman kaya nag pa reseta kami ng ibang ferrous sa OB ko before.

Magbasa pa
VIP Member

May after taste po sya pero maliit lang naman sya kaya madali inumin☺️ pero ngaun pina stop muna sakin ni OB kasi grabe constipation ko ning nainom ako nyan as in naiyak na ako sa cr pag nag poop kaya nung last check up ko sinabi ko na kay OB kaya pinalitan nya ung gamot ko instead na yan po

Sabi ni OB lasang kalawang daw, tama naman kasi ferrous sulfate sya 😂 I had to stop taking those kasi ibang brand ang kailangan ko to raise my hemoglobin, pero I used to take 2tabs before bed. Mabilisan na lang, tapos inom ng maraming tubig 😬 buti na lang mas ok yung mga gamit ko now.

may lasang dugo nga sya na parang kalawang basta malansa, tiisin para kay baby. ganyan gamit ko ngaun para bawas sa gastusin libre kasi sya sa mga brgy or health center kaya patol na hhahahah. pero kung may pambili naman ng mas ok na brand go lang din.

4y ago

mamsh bilang ako kasi mababa talaga dugo ko iniinom ko sya hanggang manganak ako mas maganda nga khet naka panganak na uminom padin kse pag nanganak po tayo madami dugo mawawala satin saka may benefits din nakukuha si baby sa ferrous. yung calcium naman po khet di na umabot ng panganganak. kung nag gagatas ka naman parang nag calcium supplement kna din non. pero kung may kakayanan naman po bumili ng calcium supplement edi mas maganda din po na makainom ka mamsh. ☺️

may folic acid naman po kung ayaw mo yan,ferous at folic na Kasi yan nagcombine na,ayuko din lasa niyan ang ginagawa ko sinusuksok ko sa pagkain ko like saging o kaya tinapay,tapos lunok agad inom ka madaming tubig para di mo malasahan😊😊

ganyan din iniinum ko ok lng nmn ung lasa para sakin wag mu nlng lasaan pag ayaw mu lasa deretsyo mu nlng ngala ngala mu. ganun ksi ginagawa ko hndi ko nilalasaan pag nilasaan mu panget tlga lasa . isipin mu nlng para Kay baby 😊😊

lasang kalawang na lasang dugo pero need uminom para sa inyo ni baby , pag umiinom ako niyan mag stock muna ako tubig sa bibig tas gamot tas tubig ulit para di lumapat gamot sa bibig kasi,pag lumapat malalasahan mo talaga siya 😊😊😊

Dedma lang naman ung lasa ng kalawang po kaso pag yan ininom ko sumasakit ung tyan ko at suka ako ng suka tas nahihilo ako bigla e 7 months na tummy ko kaya tinigil ko at bumili nalang ulit ako sa ob ko. Almost 4 days ko lang sya ininom

4y ago

me too mommy .. hindi ko ininom yan kasi nahihilo ako tapos ang sakit2 ng ulo ko parang sasabog sa sakit.