Drama mode

Buti pa kayo may mga Hubby's,, yung daddy ng baby ko nasa heaven na ??,sobrang hirap, kasi hindi man lang niya masisilayan ang baby namin, 1 week pregnant palang ako nung mamatay siya, worst diko pa alam na buntis ako that time, hindi maiwasang umiyak kapag naalala ko pa din siya,kahit alam ko na bawal mastress,hindi ko talaga maiwasang mag isip. 6 months na baby ko sa tummy ko at sobrang naaawa ako,wala na siyang daddy?? lagi ko nalang sinasabi sa kanya na "wag niya akong bibitawan at kapit lang siya kasi wala na daddy niya". Hayys napakahirap ang sitwasyon ko ngayon, sariwa pa yung sakit, pero excited na ako makita Si baby para kahit papano, mababawasan yung pangungulila ko sa asawa ko ? masasabi kong malakas ang kapit ni baby kasi 4 months na tiyan ko nung nalaman ko na buntis ako, thankyou Lord ?kasi hindi mo pinabayaan ang baby ko sa tiyan,you give her the wisdom para lumaban even though ang dami kong kinakain na bawal nung time na hindi ko pa alam na buntis ako. God is good. Now i know kung bakit ka nakangiti sa burol mo, para kalang natutulog dito babe, sobrang gwapo mo parin, ang sarap sarap mo titigan dito ? Imissyousobad asawako, gabayan mo lagi kami ni baby ha,

Drama mode
77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako din namatay Hubby ko nung 2 months palang tummy ko. Sobrang excited Siya nung nalaman niya na Buntis Ako, at sobra niya akong Inalagaan. Sep 19 NG umaga pumasok Siya sa trabaho at binuhat niya pa ako bago Siya umalis tapos May Kiss pa, Then Kinagabihan Hindi na Siya Nakauwe dahil naaksidente na pala Siya 😭😭Hindi ko alam gagawin ko nung time na yun Parang Gusto ko nalang sumama sa kanya, Ang hirap ng walang Siya Kaya naiinggit ako sa mga Buntis dito na naaalagaan ng asawa nila 😭Now I'm 7 months pregnant And It's a baby Boy dahil yun ang ipinagdarasal niya na Sana Lalaki ang magiging baby niya. He was just 18 and I'm 20 years old But I really Appreciate how he Work hard for me and for our future, But then Fate plays with us, Maybe We aren't made for each other, But I promise that he's the only man I truly love for the rest of my Life. Kaya sa mga may asawa pa Jan Mahalin niyo sila Kase Kahit gaano kalala yung Ugali niyo, May asawa pa rin na iintindi sa Sitwasyon niyo. Be happy and be Blessed always

Magbasa pa
VIP Member

Condolence sis 😢 sobrang sakit mawalan ng asawa or live in . Bukod sa kasama mo sya sa hirap at ginhawa nawalan kpa ng bestfriend kahit na minsan may pag tatalo pero wla nang mas sasakit pa ang mawala sya ng habang buhay.. ok lang mag away pero dapat wlang iwanan. ❤ yan din ikinatatakot ko balang araw pero wag naman sana.. kung mangyare man yon sa tamang panahon at gusto ko pagtanda namin at sabay ung tapos na misyon namin sa mundo ung maayos na buhay ng mga anak namin at may kanya kanya nang pamilya.. stay strong sis godbless sa inyo ng baby mo ❤

Magbasa pa

Stay strong sis. Kaya mo yan. Laban lang. Isipin mo nalang si Mr mo sa heaven napunta kesa dun sa mga lintik na babaero at di alam ang salitang Responsibilidad at obligasyon panigurado sa impyerno bagsak nila 😅 Eme lang sis. Pinapatawa lang kita. Pero eto lang isipin mo. Asan man si mr mo lagi mo tatandaan na binabantayan nya kayo 😊 at asan man sya ngayon makakapag pahinga na sya ng maayos di na sya mahihirapan pa.

Magbasa pa

Sana man lang naka NSFW yung photo. Be a little considerate to others po. Takot ako sa patay kaya pag hanggat maaari di ako nagpupunta sa mga burol kung pumunta man sa malayo lang ako di ako sumisilip tapos biglang ganto makikita ko. 😔 Hindi na tuloy ako makapag scroll sa feed kasi baka lumabas ulit to. Di ako hater pero sensitive lang talaga ako pagdating sa mga gantong bagay. Condolence po.

Magbasa pa
VIP Member

I admire how strong you are Momshie.. I can't imagine the pain you have been through..Ano po ba nangyari kay hubby bakit po siya namatay? I know sobrang sakit kase lahat naman tayo gusto buo ang pamilya..Just keep on fighting lang po..soon may kasama ka na po ulit..si baby mo❤❤❤

VIP Member

Naiyak ako sa post mo sis 😭 sobrang love ka ni hubby hindi niya gusto maging malungkot ka sa pagkawala niya kaya gift niya si baby sayo para maalala mo parin siya. Condolences sis. Kaya mo yan. Fighting lang para kay baby. Sending virtual hugs for you 🤗🤗 God bless..

VIP Member

Condolence, nakakalungkot pero kailangan mo magpakatatag kasi may anak kana umaasa sayo for sure ako paglabas ni baby kamuka sya ng asawa mo magtiwala kalang sa plano ni Lord para sayo may mga bagay na Hindi natin maintindahan pero kapit lang tayo sa promise ni Lord satin.

Condolence ... wag na malungkot or maawa sa baby mo mommy... blessing yan ..may dahilan kaya binigay yan... nawala si hubby pero may kapalit nmn sya ... be thankful hnd ka papabayaan ni God... pray always ...

Condololence momsh.. Yaan mu for sure gingabayan c baby ng daddy nia habang nsa loob cia ng tummy mu.. Be strong momshh wla man presencia nia im sure lagi ciang nka gabay sa inio mag ina. 😇

Condolence sis. Pakatatag ka ky baby :) naniniwala ako sa kasabihan na pag my nawala my dadating :) positive lang malay mo si hubby mo na pala yang si baby mo ingat lagi