insecurity

No to BUSH po! Pero kasi naiinsecure ako s maraming bagay In short naiingit kahit masakit pakingan for me. -feeling ko ang PANGIT PANGIT kuna, yung tipong basta laylay dede, dami scars sa tiyan PLUS itong mga DEMONYONG kagat ng BITIK (PEKLAT sa boung katawan) NAKAKAPUTANG***????? -Then yung feeling ng parang PALAMUNIN! Wala ka magawa kundi magbantay ng bata/gawa ng trabahong bahay at madami pa. Walang PERA literal sa wallet! Isa pading Stress sa buhay ko! Wala ko madukot ni kunting pera pambili ng pagkaing gusto ko. LETCHE! Nasa syudad ka nga para ka nmang nasa isang box na hindi makalabas. -Naiingit ako s ibang momshies na nabibili nila mga gusto nilang damit ng baby nila (mapa preloved or banded) Yung mga paterno effect or twinning. Or pati hairbond nalang ba. hayst! #Gaba!#Meris! na ba to? Hays! Gusto ko rin mag trabaho nga lang ayaw ng family ng part ng LIP ko. Alagaan n daw muna si baby saka na mag work pag naglalakad na. Keshu ganyan ganito. (me point naman sila pero until what point ganito, magddepende sa mga bawal sa pamahiin nila PURKET BA YUNG LIP KO NAGTTRABAHO! #IM23yrsOld!

55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

okey lang yan mumsh,unahin mo muna si baby since maliit pa,mas need ka pa kasi niyan,paglumaki laki na si baby at kaya mo naman na mkapagwork pwede kana magapply,don't pitty yourself,may mga bagay na meron ka na hinahangad din ng iba,sa naun be thankfull of what you have,

mahirap naman pong lumaki sa lola yung baby niyo tapos iiyak ka kasi mas gusto niya sa lola niya kesa sayo. andiyan lang ang pera, damit, pamporma na twinnies. pero yung mga milestones ni LO hindi mo maibabalik yun kahit kelan.

madamemg mommy na pinapangarap na maging full time wife at mom kasi napakahirap maging working mom. ienjoy mo lang muna yang moment na yan. bata ka pa naman.. madame pang opportunities para sayo pag lumaki laki na si baby..

trueee panget na panget ako sa itsura ko sobra, to the point na minsan iiyak nalang ako bigla kasi maiisip ko baka ipagpalit ako. losyang na nga wala pang silbi, buti nalang may asawa akong sobrang mahal ako hahaha.

Minsan lang magiging baby yan kaya alagaan mo hanggat may pagkakataon ka. Madaming time mag work and magbalik alindog pero yung time mo with your baby mabilis lilipas yan. Cherish every moments. 😁

Magpasalamat kanalang, pasasaan pa at darating din yung time na malaki na anak mo at mkkapag trabaho ka para mabili gusto mo. Naiirita kalang siguro kase sa bahay kalang. Godbless you.

since nagsasama na kayo ng LIP mo, dapat ikaw na ang humahawak at nagba budget ng salary nia.. lalo na at ganyang my baby kayo, dapat may hawak kang pera lagi in case of emergency..

VIP Member

I feel you sa part na walang madukot sa wallet para mabili ang gusto, I mean meron naman po kami pero I don't like it na hihingi ako kay husband paranga mabigat sa dibdib ko hehe

VIP Member

mag online business ka sis, mabenta yun tyagain mo lng. okaya mag usap kayo ng partner mo na kailangan bgyan ka nya kht maliit na puhunan para hnd ka mabore jan sa inyo

mas mag focus ka nalang muna sa baby mo & kausapin mo ung partner mo about jan. siguro mas ok kung lumalabas kau ng partner mo tuwing day off nya or weekends ganun.