βœ•

55 Replies

Gets ko yung pinanggagalingan mo mommy. Halos same age tayo, 24 lang ako at first time mom din ako. Nagwowork din ako before pero I had to stop to take care of our child. Yung asawa ko ang nagwowork. Naintindihan kita na nakakaburyo sa bahay lalo na kung ikaw lang mag isa, pero isipin mo na lang yung baby mo kailangan ng kalinga ng ina lalo na ngayon na newborn. Mahirap ipagkatiwala ang anak sa iba mommy. Kahit ayokong tumigil sa trabaho, kailangan kong magsacrifice kasi gusto ko personal maalagaan yung anak ko kahit sa unang taon lang nya. Hindi mo naman kailangan mainggit sa ibang mommy na nakakabili ng gusto nila kasi kung papairalin mo yun, hindi ka sasaya. What you need right now is someone to talk to. Probably your partner or your mom or maybe a trusted friend. Someone who will listen to you and understand you. And one more thing mommy, hindi ba't nakakawala ng stress kapag nakikita mong nakangiti si baby? Kahit anong inis mo sa buhay, parang nawawala lahat pag nakita mo na si baby. Kasi ganun ako sa anak ko. Aaminin ko hindi rin perfect yung buhay ko pero lahat ng kulang, napupunan ng anak ko. Ganun na lang din isipin mo mommy. Cheer up!

No to bash! pero baka post partum nga po ito. ako nga po nung nanganak 17 years old. walang trabaho, walang sariling pera. oo minsan naiingit ako sa mga mommy na may career at may sariling pera noon pero mas inuna ko po asikasuhin yung pagpapalaki ng maayos sa anak ko. di po ako nagmadali na makabalik sa dating buhay na gusto ko kasi once na naenter mo ang buhay may asawa at pregnancy you give your all na po. naniniwala ako na satingin mo wala ka silbi ngayon kasi wala ka work? pero sa baby mo may silbi ka.. kasi kailangan ka nyan. ikaw ang lakas nya. kaya imbis na mainggit tayo sa mga bagay bagay isipin nalang natin na may mga tao pang mas nahihirapan at mas d maayos ang kalagayan kumpara saatin ngayon. πŸ€— mommy iwasan mo nlng po masyado ang social media na nagkocause sayo makakita ng mga bagay na ikakainggit mo. Godbless po saating lahat!

be thankful nalang din at hindi kontra family ng lip mo kasi kung sa iba pinagpipilitan pa nilang magwork para makatulong. ilang buwan lang naman iintayin mo para makapagwork n ulit, pag nagwork baka sabihin mo mas gusto mo pang magstay nalang kasama ng baby mo. Dumaan na rin ako diyan lately lang, pero nung time na parang napansin ko na nakakaaninag na si LO naisip ko, siguro hindi ko makikita yung first time na yun kung nagwowork ako kasi malamang nasa work ako nun. wag ka na rin sana mainggit sa iba, kasi may iba na naiinggit sayo kasi di ka na pinagwowork. ps., maski ako dumaan n sa insecurities na feeling ko ang panget panget ko na. taba taba ko na puro stretchmarks. ni ayaw na ng ko galawin ng husband ko. hahaha pero lahat naman dumaan lang sa isip ko. as long as mahal tayo ng partners natin tanggap nila tayo.

para po sakin kung ako nasa kalagayan mo. aalis muna ako kasama ang baby sa puder ng partner mo since hndi naman kayo kasal may kalayaan ka....para naman nabawasan yung stress mo. tapos sa kamag anak mo paalagaan si baby kung gusto mo na talga mag work. para hndi mo mafeel na pabigat ka at para may sarili ka narin pera. kausapin mo partner mo sa nararamdaman mo hndi naman kailangan ng approval nya kung aalis ka o hndi...tapos kausapin mo nadin yung family nya kung bakit kailangan mo muna bumukod sa kanila panandalian. kung gusto nila magkaroon kayo kasunduan sa barangay na every ganito pwede nila dalawin ang bata depende nlng sayo kung ipapahiram mo while nasa work ka after all kamag anak parin sila ng baby mo at partner mo. ang first step lang talga jan sa stress mo is bukod ka muna

feeling ko post partum to ilang months kana ba nakapanganak?siguro kausapin mo si partner mo about sa nararamdaman mo yung about sa look mo momsh ok lang yan normal yan kasi may anak ka ganyan din naman ako dati nasa bahay lang nung bagong panganak ako sa first baby ko 22 lang ako nun ang masaklap ako lang mag isa sa bahay dalawa lang naman kasi kami ni hubby nun kaya pag nasa work sya ako nalang isipin mo nalang si baby mo mahirap ipaalaga sa ibang tao yung anak mo kasi di mo alam kung anung ginagwa sa anak mo.basta mag usap lang kayo sabihin mo baka pwede ka iwanan ng pangbili ng snacks mo pag may sahod baka pwede natin bilhan ng damit si baby kung may sobra nasa pag uusap yan yung rebond momsh ok lang kahit hindi mo magawa yun hindi naman kailangan yun.

Sa akong first baby whose 10 years old na karon,i felt the same way,tong mga bagay na gunabuhat nimo dili na mahimo karon.. Tas aq hubby tong una kay sa layo gatrabaho so murag maka-stress jud labaw na naa pa jud mga tao sa paligid cge ug tsismis nya dugangan pa ug mga pamahiin.. Maayo na lang karon,nakabukod na kami ni hubby ug wfh lang 'mi,we're just waiting for our second baby's arrival,and my hubby is more loving and caring,iyaha ko gina-asikaso pirmi,ug everytime na mulakaw sya ginapangutana ko kung unsa gusto ipapalit to the point na may tym nga maulaw sad q mureqst maski dugay na kaayo 'mi.. But advice nako nimo,ienjoy nimo every moment with your baby kay dali ra baya mudako mga bata,daghan ka mamiss if wala c baby sa imo side..

Same here momshie but Look to the bright side momshie mas naaLagaan mo si baby kase once mag work kana mawawaLan kana ng time sakanya . Naexpirience ko din yung mainsecure ako sa ibang mommy na maganda maputi sexy hindi mataba at nabibiLi niLa yung mga gusto niLa andyan naman mga husband natin di tayo pababayaan unLess di kana binibigyan ng pera eh ibang usap na un .. Nagwork ako kasennga gusto ko mabigay ko pa yung Luho ng anak ko masaya sa una kase nabibiLi mo na sya ng mga gamit at napaLitan ko na ng brand gatas nya PERO habang tumatagaL HINDI NA AKO MASYADONG KILALA ng anak ko mas maLapit na sya sa daddy nya at sa LoLa nya ako madaLang nya na ako hanapin unLike dati na Lagi sya nakahaboL sayo .. ganun 😊

VIP Member

Natural lang yan. Ndi lang ikaw ang nakakaranas ng gnyan. Yung iba nga sobra pa. Isipin mo nlang na blessed kpa kumpara sa mga magulang na sa daan nkatira wLang nakain, at may sanggol at maliliit pang dpat gatasin. How blessed we are dba? πŸ˜ŠπŸ˜‡πŸ™Saka mu na lang isipin ung luho pag Malalaki na sila ng konti. Ang importante, mapa laki mo sila ng maayos at healthy plagi. Madaling maghanap ng trabaho, mdaling kumita, pero pag may na miss ka sa paglaki ng baby mo ndi mo na mbabalikan, ndi mo na marrewind ang panahon. Enjoy your life as a full time mom. Don't think negative things. Crab mentality pulls you down. Ndi kita binabash. Just a piece of an advice. No hate just love momma. β€οΈβ€οΈπŸ‘πŸ‘ŒπŸ’ͺ

Okay lang maging losyang basta si baby parang anak mayaman, maayos at malinis palagi. Pag malaki na yan saka ka gumora gora. Saglit lang naman na maging baby ang mga anak natin so sulitin mo na po. Wag ka na mainsecure. Mas masarap ung naranasan mo ang hirap kasi jan ka natututo. Housewife lang din ako, ayaw din ako magwork ng asawa ko pero di ako naiinggit. Sa makatuwid ang sarap pa nga ng buhay ko. Yung iba jan nagtatrabaho na, nag aalaga pa ng anak, gumagawa pa ng trabahong bahay eh ako, dito lang sa bahay. Kayang kaya magbudget ng oras at pag may gusto ako, nagsasabi ako sa asawa ko at papayagan niya ko bumili kung carry naman ng budget namin.

VIP Member

This is a big NO for me. Yung asawa ko nga di pa ko nanghihingi nagbibigay na. Ngkkapera pako on my own nito dahil may maayos nmn akong work at awa ng dyos kahit nagkalockdown at pandemic, tuloy tuloy ang sahod at trabho ko. Mas maayos pakong kumikita kay hubby pero whenever na may mga extra sya or sideline, maliit man o malki binibigay nya sakin tapos hinahyaan nya ako magbudget. Mejo iwas luho nga lang. Hahah πŸ˜‰. My point is, di naman kasi tayo pare-preho ng asawa, iba iba ang mindset nila. Pero siguro dapat kausapin mo din hubby mo kasi grabe nmn yung kahit piso di ka nya halos nbibigyan. Hindi reason yung nsa bahay ka lang naman.

Trending na Tanong

Related Articles