PREGNANT with one year old son
Buntis po ako at kakaisang taon lang po ng anak ko. Gano po kahirap mag alaga?ππππ #1stimemom #pregnancy #advicepls
I-train nyo na po si baby na makatulog on their own as soon as possible. Kasi demanding pag newborn and medyo mahirap sila patulugin nang sabay (2 y/o and newborn in my case). Basta super helpful po na may daily routine na yung older kid para may structure sya araw araw. Ok din po na ipaalam sa kanya na may baby na parating para mahaba yung time nya para mag-adjust, and hindi sya magulat. In my case po sinabi na namin agad na may baby sa tummy ko para hindi sya magulat. Kini-kiss and hinahaplos nya yung bump ko, tapos ngayon sweet sya sa kapatid nya. We also let him participate, kung gusto nya hawakan si baby, hawakan yung bote, etc. Basta yung feeling nya, included sya para hindi sumama ang loob nya. And kapag tulog si newborn, yun yung one on one time ko with our toddler para may time pa rin na nasa kanya ang attention ko at hindi nya masyadong maramdaman na naaagawan sya. 1 week na kaming ganito and I can say na medyo mahirap talaga sa umpisa kasi mag-aadjust kayong lahat. Pero malaking tulong po kung mai-prepare nyo yung panganay especially yung emotional aspect kasi may kahati na sya sa time and attention nyo, and get as much help as you can po. Nakakapagod, magulo, minsan maingay and slightly nakaka-stress, pero give yourself time to adjust po, and makakayanan nyo rin po yan :)
Magbasa pasame lang tau sis ung pangalawa ko nasundan din agad kaka 1yr lng nun January ngaun 5months akong preggy. cguro mahihirapan tau pero kakayanin naman natinβΊοΈ blessing Ang baby kaya wag mo muna isipin ung pag labas ng baby at mang mangyayare pag nakalabas na c baby. enjoy muna lng Pag bubuntis mo para less stress.π
Magbasa pamahirap po sis pero kaya mu yan walang hindi natin makakaya bilang isang ina ,blessings yan kahit mahirap go pa rn para sa mga anak natin ,keep safe and godblessππ
Siguro momsh mahirap yan ako pa nga lang na first time mom nahihirapan na dahil walang kapalitan pero kakayanin mo yan ganyan siguro mga nanay lahat kakayanin
jusko yung stress sana kyanin mo. ganyan ako now. tas wala p kpalitan mg alaga.
wag niyo po sana akong i bash πβΉ