“NO BUDGET NEEDED”

“NO BUDGET NEEDED” How to make your wife happy in Mother’s Day 😁 Hindi mo kailangan gumastos para mapasaya si misis basahin kung ano pwede mo gawin ☺️ 1. Gumising ng maaga at ipaghanda mo ng almusal at kape. Hayaan mo muna syang humigop ng mainit init na kape libangin at makipaglaro ka muna sa mga bata. 2. Tulungan syang maglinis sa gawain bahay kahit ikaw muna taga hugas ng Plato o Di kaya ang mag Luto sa tanghalian at hapunan. 3. Bitawan ang cellphone at iwasan muna ang mag FB, ML, ONLINE SABONG at panonood ng walang makabuluhang VLOGS. Kwentuhan si misis o Di kaya makipaglaro sa mga anak at ibuhos ang buong oras sakanila. 4. Huwag muna lalabas at makipag kita sa barkada tandaan na araw ng asawa mo ngayon kaya deserve nyang walang kahati sa oras mo. 5. Maghanap ka ng paraan para mapakilig si misis kahit pumitas ka lang ng bulaklak sa bakuran, bulaklak na gawa sa papel o Di kaya Sulat kamay kahit “HAPPY MOTHERS DAY I LOVE YOU” lang ang alam mo sabihin LAKIHAN mo nalang. 6. Hayaan syang maligo sa banyo ng hindi nagmamadali para ma gamit naman nya ang mga nakatago nyang body scrub na malapit ng ma expired at maibabad man lang ang buhok sa conditioner. 7. Kapag tulog na ang mga bata massage mo naman kahit ang paa lang at ang likuran nyang nangalay sa pagbubuhat ng mga anak at paglalaba ng mga damit nyo. 8. Kung kaya mag laba ikaw muna ang taya Kung hindi tulungan mo nalang sya magsampay at magtupi habang kinukwentuhan mo sya. 9. Huwag hayaan ma high blood sa espesyal na araw na to. Wag mo muna syang galitin at asarin. 10. Ikaw muna bahala sa kakulitan ng mga anak mo bigyan mo sya ng kapayapaan sa araw na to. Napakadali lang diba kaya subukan mo gawin kahit alin man sa mga to bigyan mo ng kahit Ilan oras man lang sa sarili ang asawa mo sigurado ako mapapaligaya mo sya dahil mas lalo kami humahanga at napapamahal kapag katuwang namin kayo sa lahat ng bagay ❤️

2 Replies

Super Mum

True. Thanks for sharing mommy! ❤

VIP Member

tama😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles