11 Replies
Unli latch lang po mi. May gatas po tayo once nailabas na yung placenta natin after manganak. Need po ipa latch kay baby ang dede para mag signal ito sa utak natin at mag produce ng gatas po. 😊 Wag po makikinig sa wala kang gatas or mahina ang gatas mo. Trust yourself mi. Nag take din po ako ng malunggay capsule, m2 drink, milo saka lactation cookies. Pero more on latch pa din po ginawa ko di ako nag depend sa mga yan. 😊 You can join Breastfeeding Pinays group for more tips. May page din po na Mommy and Lactation may mga tips din po si Doc doon. May free ebook din po sya na pwede nyo madownload more tips din po. 😊
so far 6 months na si LO natry ko na lahat m2 , coffee milk booster pati ung galacto bomb cookies also malunggay capsules pero same pa dn naman ung milk supply ko up to 4-6oz pa dn napapump ko sapat naman na para kay baby pero sa lahat ng natry ko na talagang lalakas ang breast milk is yung ginataang clams na may malunggay .every time mag uulam kami nun nagleleak talaga breastmilk ko . and ang advice dn po ni pedia before unli latch talagq sabayan ng hand express the more na nagpadede daw the more na nagproproduce tayo ng milk ..
Nagtake ako for 3 days lang ata kasi lumakas talaga supply ko aside from unli latch kami nong Newborn pa baby ko, my OB advice me na istop kasi nong postnatal care niya tumigas yung breast ko sa dami ng supply at hindi pa kaya ni baby ubosin kasi maliit pa ang tummy niya that time.. Natalac lang ginamit ko hindi din ako nagpre-pressure magsabaw araw2 but naka water ako palagi.. So far 5 months na baby ko going 6 months steady pa rin kami sa breastfeeding.
Unli latch Wag isipin sasabihin ng MIL mo na wala ka gatas Uminom ng maraming tubig Uminom ng Prenatal Vits para healthy pa rin si baby Natalac / or anything na malunggay capsule at kung wala talaga, wag stress-in ang sarili bumili na lang ng Milk. Mabuting Ina ka pa rin.
more water 2-3 liters a day m2 malunggay drink ihalo mo sa milo malunggay capsule 3× a day pump every 15 minutes(if nanganak na kayo) more sabaw maraming malunggay leaves dagdagan mo na din po luya
Effective po sakin yung Natalac, pagkainom ko po nanigas agad yung dibdib ko at sumirit yung gatas 😅 nag uulam din po ako ng masasabaw na pagkain na may halong malunggay.
effective sakin yan. sobrang lakas ng milk ko nun. inom kalang din lagi tubig. more sabaw na ulam. tapos inom ka Champion energen na choco. super effective sakin.
tnx u po try q rn 19wek n po tiyan q
unli latch lang mii, try mo din mag pump and kain ka ng mga lactogenic foods like oatmeals, coconut milk(gata),avocado, nuts, beans and specially malungay.
Mas effective sakin buds and blooms malunggay capsule sis 🤩 sabay unli latch din 💯
Okay naman po, medyo mahal lang kaya nagswitch ako to Buds & Blooms.
Reisyl Dimayuga