8 Replies
Common question ng mga nanay tungkol sa hindi pagdumi araw araw ng mga sanggol nila depende sa edad at kung purong gatas ng ina, mixed feeding at pure formula fed. Sagot: - ang mga sanggol na wala pang 6 weeks ang edad ay dapat araw araw ang pag dumi. (May mga sanggol na 5 weeks hindi nakakadumi ng ilan araw ok lang basta hindi sya fussy) -ang mga sanggol na 6 weeks pataas ang edad at exclusively breastfeeding ay normal lang na hindi araw araw ang pag dumi dahil ibig sabihin noon ay inaabsorb ng katawan nila ang lahat ng nutrients ng gatas ng ina walang tapon, basta hindi matigas ang tyan at iritable ok lang, dapat malambot ang tyan ng bata. -minsan umaabot ng ilan araw (e.g 3 araw, 1 week, 2 weeks, 30 days pinakamatagal) bago makadumi ang mga sanggol na gatas ng ina lang ang iniinom. -gawin ang “I LOVE YOU MASSAGE” at “BICYCLE EXERCISE” araw araw para ma stimulate ang tyan ito ay proven and effective. -frequent latching -check if proper latch -ang mga sanggol na mixed feeding at pure formula fed kahit 1 araw pa lang ang edad pataas ay dapat araw araw ang pag dumi, pag hindi nakadumi ng 1-2 araw magpa check up agad sa pedia. -ang mga sanggol na kumakain na ng solids simula 6 na buwan ay dapat araw araw ang pag dumi -pakainin ng fiber rich food gaya ng papaya, pineapple, sayote etc. -painumin ng tubig lagi -check mother’s diet rin, too much dairy products can cause allergy that can manifest as constipation to baby (e.g egg, cows milk, chocolates, seafood) 🖍Reminder: - Huwag gumamit ng suppository or cotton buds na may oil at kilitiin ang anus ng sanggol dahil ito ay nakaka trauma sa kanila at masakit pag sinundot ang pwet (hindi ito nakakatulong, kailangan iresolba ang issue kung bakit hindi nakakadumi ang bata hindi yun basta na lang pilitin dumumi ang bata kaya nilalagyan ng mga ganyan sa anus, nakadumi nga ang bata dahil may nilagay sa anus pero ang tanong naresolba ba ang main concern nyo kung bakit hindi sya nakakadumi ng ilan araw hindi ba hindi? Kaya ang point dito ay hanapin ang solution sa pinaka main issue para maresolba, ang paglagay ng kung anu ano ay parang bandaid lang panandaliang solusyon) Kaya hindi rin ito recommended dahil may mga sanggol na nagiging dependent na lang makakadumi lang sila kung may sinundot sa pwet or kiniliti at ayaw natin mangyari sa anak natin yan tama? -Dapat magpatingin sa breastfeeding advocate pedia kung nagawa na lahat pero hindi pa rin gumana. -ang isang breastfeeding advocate na pedia ay hindi magrerekomenda nang ganyan na solusyon para lang makadumi ang bata, may nirereseta sila na iinumin ng bata para pampalambot ng dumi. -ang mga pedia na nagrerekomenda ng suppository at cotton buds na may oil etc. ay hindi mga breastfeeding advocate na tunay kundi mga breastfeeding friendly lang sila. Additional readings: http://kellymom.com/health/baby-health/food-sensitivity/ http://kellymom.com/ages/newborn/when-will-my-milk-come-in/ Check this link on you tube: http://youtu.be/OAe1C-kAliU
Dahil breastfeeding ka po it's normal po. Ganyan din po baby ko. Minsan 3days after bago sya mag poop. As long as po na di matigas poop nya.
Mga mommies normal lang poba ang pag dumi ng ganito ng baby ko halos araw araw syang dumudumi ng ganito breastfeeding po ako .
as long as walang dugo
Yes momsh basta ebf ka po normal lng yan basta hindi matigas pag nagpoop na sya..baby ko umaabot pa ng 5 days..
baby q po breastfeed po nakaka 8 poop sa isang araw..bilis maubos diaper
As long na nag gagain Naman si lo mo Ng weight don't bother
No po, halos every day dapat may poop. Pacheck mo po sa pedia
yes po... as long na malambot po ang pooo ni baby...
Malen Lyn Torres