Volleyball after CS

Binat after CS: Hi mga mamsh! CS po ako and nagtanong po ako kay Doc ko kung pwede na ako mag exercise, particularly VOLLEYBALL, and she said after 8 weeks pa pero pakiramdaman ko raw. Then, ayun, wala naman akong nararamdamang masama sa katawan ko kasi meron akong excellent support system kaya kahit papaano di ako gaanong pagod at puyat when it comes to childcare. Naglaro ako kahapon pero chill na laro lang. Hindi ako nagdadive pero tumatakbo ako. Pinagalitan ako ng parents ko kasi naniniwala sila sa BINAT at fresh pa nga raw po yung tahi ko. Question is lalabas ba kagad yung signs ng binat kinabukasan? If hindi, gaano katagal lumalabas to? Or possible ba na mabinat pa rin ako kahit yan lang yung activity na ginawa ko? PS: kahapon lang ako nagvolleyball and yun yung activity lang na nagawa ko simula nung nanganak ako. Di ako pinapakilos sa bahay. Literal na kain tulog at padede kay Baby ang ganap ko sa bahay. #firsttimemom #AskingAsAnewMom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maybe volleyball will be too much, start with walking po muna or mga workouts na diastasis recti safe just to be sure.

2mo ago

Hi po! Thank you for answering my question! Another question po, lalabas po ba kagad yung binat right after mag exert ng effort? Until now okay naman po ako at walang nararamdaman. Nastress lang po ako kakaiyak kagabi gawa ng may naramdamang guilt kasi feeling ko selfish yung naging action ko na magplay.