Big baby din ba ang baby mo?

Big baby din ba ang tawag kay baby mo? Ung tipong hindi nagkasya sakanya ung diaper size na NB kaya hiningan ka ng NICU ng Small sized diaper at ang damit na kasya sakanya ay 6months bigger. Meet my 2nd born - baby Heaven. Nasa tummy ko palang siya tawag na sakanya ng OB ko ay big baby. Sobrang laki kasi ng tummy ko (milktea pa more!😅) at kita sa Ultrasound na talaga naman ang laki ni baby. Sabi ni OB hindi daw siya sure kung kakayanin ng Normal Delivery (sobrang worried ako kasi hindi ko pa naexperience ma-CS) kaya naman kahit hindi ko pa due date pinainom na ako ni OB ng Evening Primrose para daw maiwasan na sa loob ng tyan ko pa lumaki ng lumaki si baby. Kaya naman 1 week before my due date... after 4 hours of active labor... HELLO WORLD na si baby HEAVEN weighting 8LBS via NORMAL DELIVERY (without Epidural) - all vitals are normal and sugar level ni baby is also normal. Gulat na gulat ang OB ko, doctors and nurses kasi isang push lang daw lumabas na agad si baby ng walang kahirap hirap. Sabi ko "THANK YOU PO LORD!" Malaki talaga nagagawa ng prayers and tiwala sa Panginoon. 🙏 And Yes! 1week old palang si baby Heaven sa picture na yan pero muka na siyang 3months old. 😆 Share your experience din mga momshie! Hindi ko alam kung miracle ang nangyari or talagang swerte lang ako sa panganganak? #babygirl #2ndbaby #ThankYouLord #ThankYouLord

Big baby din ba ang baby mo?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wow🥰👏🏻👏🏻 congrats mamshie sana all hindi nahirapan manganak bago ganyan pa kalaki si baby🥰❤️ sooooo cute ni baby❤️😍🤩

4y ago

Amen!🙏🏻😇 keep safe po kau ni baby mamshie❤️💐🤩

Super Mum

Grabe mommy.. Ang lakas mo😁 ang laki nga talaga niya😂 congratulations mommy.. Hi baby😊