Our new house!

Before getting married, my boyfriend (now husband) and I decided na hindi kami magpapakasal hanggat wala kaming sariling bahay. So we started saving up. I’m super thankful kasi magaling mag-ipon ang asawa ko kasi hindi ko strength yun. Hehehe We were able to save up para sa downpayment ng 1 bedroom condo. We would’ve wanted something bigger but yun pa lang kasya sa ipon namin and we had a wedding to spend on also. (Ayaw kasi namin mag rent kasi sayang at mas lalong ayaw naming tumira sa in laws. Hindi dahil sa hindi kasundo, but gusto lang talaga naming magsarili.) Tuwing may bonus ang asawa ko pag pasko, ipinambabayad niya sa loan namin kaya yung monthly namin paliit ng paliit. 10 yrs ang loan namin pero nabayaran namin siya in 3 yrs. When we had a child, we knew na kailangan na namin ng mas malaking space. We bought a 3br condo na preselling. By the time, we finished paying for our first condo, gawa na yung bago naming condo. We moved in sa new condo tapos yung old condo, pinapa-rent namin. Yung income nun, pangtulong pambayad sa new condo. Same ang ginawa namin na tuwing may extra pera at bonus, we would pay our loan in bulk para lumiit ang monthly. Before we knew it, we were able to pay off our loan in 4 yrs. Fast forward to today na 2 na anak namin at lumalaki na sila. They are already studying at dahil pandemic, nahihirapan kami na 4 kami na may online class/work. Ang ingay sa bahay. We decided to buy a 4br townhouse na malapit sa school ng mga bata. Like with our previous properties, ganon din ang naging strategy namin. Pina-rent yung condo tapos yung kita dun, pangtulong pambayad ng new house. In our 11 yrs of marriage, we were able to acquire 3 properties. Hindi po ganoon kalaki sweldo namin, hindi lang po talaga kami sobrang maluho. Hehe 😊 Sana maka-inspire po yung story namin ❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles