Is it me, or is it because of my pregnancy. Recently kasi I do feel na hindi ako masyadong kinakausap or pinapansin ng husband ko.
Im 14weeks pregnant. And now ko lang na feel to. 9years kaming mag Bf/Gf then 1 year
ng married, pero never naman ako nanghingi ng attention nya. Now lang
Pag uwi nya galing work, papahinga sya while gamit cellphone nya, mag scroll scroll sa Face book. Then pag kinausap ko sya, laging ang sagot, "Babe, wait lang" . Ilang minuto bago nya ulit ako balikan sa tanong ko dahil tatapusin muna nya yung pinapanood nya sa fb. Naiinis ako pag ganon, pero iniiwasan ko magalit kasi ayoko mastress si baby.
Sa gabi naman sa pag tulog, alam naman nyang hindi ako makatulog pag hindi ko sya kayakap or katabi. Minsan nakakatulog na sya couch kaka fb nya, tapos pag ginigising ko sya ayaw na bumangon. Ending mag isa akong natutulog sa kama namin, which is sobrang hirap for me matulog, dahil madalas ako managinip ng masama. Kaya hindi ako sanay matulog mag isa.
Gusto kong sabihin sakanya yung mga nararamdaman ko, pero natatakot ako baka mag away kami. Hindi naman sya ganito nung mga unang buwan ng pagbubuntis ko.
Hindi ko alam bat bigla syang nalayo.
I'm sure wala po syang iba, hindi po ganoong klaseng tao yung husband ko. Very responsible sya and masipag. And family oriented kaya alam kong hindi nya magagawa yun.
Feeling ko talaga yung pregnancy ko to. Msyado akong emotional ngayon ang clingy. And I don't like it 💔
Share ko lang po, wla kasi akong masabihan. Gusto ko lang din malaman thoughts nyo. Thank you.
Anonymous