MILKTEA - Bawal ba sa buntis?

Bawal po ba ang milktea sa buntis? 5 months na po ako now, di ko po maiwasan uminom ng milktea kase hinahanap hanap ko yung lasa. Ngayon ko lang din po naisip na baka hndi sya safe inumin. TIA ☺️ #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag lagi po kayong nainom, bawal po. Kasi mataas ang sugar nyan. Pero kung minsan lang like once or twice a month then 0-25% sugar level, wala naman magiging problem siguro. And kung di naman kayo diabetic or mataas ang sugar sa katawan. But then if maiiwasan much better or ask your OB padin po.

Hindi naman siya sa bawal Hindi din siya pwede haha. Umiinom ako niyan pero once a month lang hangga't maaari tinitiis ko.kase mahirap na.mas okay na palitan mo siya ng fruit shake mamsh. kaso yung pure na prutas ha tsaka gatas po. tapos wag lagyan ng sugar hehe mas masarap. Kung kaya iwasan iwasan po. :))

Magbasa pa

pwede naman po pero dapat in moderation lang po . kasi ako uminom din ako ng milk tea nung buntis ako . pero once lang yun kasi nung tumagal ayaw kona sa lasa, lahat ng matatamis kalaban ko . Nestcafe stick nga kape ko nung first month hehe tinubig kopa , pero hindi sobrang pait ha. ( just sharing )

Magbasa pa

pwede naman po ang milktea pero hindi dapat araw araw, wala naman pong bawal bawal may iba nga jan na bawal ang matatamis pero naglilihi sa matamis lagyan nyo lng po ng limit ang pag inom ng milktea, inom ng tubig para dika tumaas ang sugar natin momshies

Pwede naman, kasi baka yun ang hanap ng panlasa mo. Pero in moderation lang kasi matamis, lalaki si baby hehehe.. Pwede namang zero nalang ang sugar level kasi matamis na ang black pearl. Pero kung pwedeng iwas muna, tiis ganda muna. 😊

Ako din 5months hanap hanap ang milktea pero iniwasan ko na siya incase na mag crave ka ulit less sugar lang 0% or 25% tapos wag kana magpalagay ng pearl. Matigas ulo ko nung una eh kaso iniisip ko si baby kaya iniwasan ko

3y ago

6months na ko now

base sa experience ng hipag ko, araw-araw siyang nagmilktea with takoyaki pa nga, healthy naman ang pamangkin ko, mag 1 yr old na nga sya this thursday eh. depende siguro yan sa pagtanggap ng katawan ng buntis

bawal po yan haha titigas din ng ulo ng ibang mommies eh tas kapag nagkaprob yung bata diba kagagawan nyo rin kung bakit may nagkaprob, tiis tiis muna dapat mommy patikim tikim lg

3y ago

bawal yan ung bilas ko milk tea ng milk tea nung buntis kinalabasan nung bata eh masilan bituka niya tapos sobrang lumaki si baby sa loob 😊 muntik pang mamatay si baby dahil na ipit ulo niya dahil sobrang laki niya 😊 kaya iwas iwas nalang

In moderation lang po dapat lahat, mataas po kasi sugar ng Milktea and ang pearls mismo eh sugar rin po. Iwas po tayo sa GDM para di po mag insulin at lumaki masyado si baby sa loob.

Sobrang taas ng sugar level sa milk tea. Pwde naman uminom, limit mo lang 1/week tapos make sure na control mo din ibang sugar intake mo.