Pa-vent out lang

Bawal bang magpasuot ng dark color sa mga infant? Baby ko kasi 1½ months pa lang pero pinapasuotan ko na ng onesie na brown and blue. Sa shopee ko lang kasi nabili ung onesie nya, di naman ako makapili ng kulay kasi random lang binibigay. Yung mother kasi ng bf ko, lagi akong sinisita sa mga damit ng baby ko. Kailangan ganito, ganyan, dapat ganito, ganyan. Parang ang dating tuloy sakin, ang sama kong ina sa anak ko kasi pinapasuot ko pa rin ung onesie n brown and blue sa kanya. Sa side naman namin kasi, wala naman problema sa damit e. Minsan ko lang din naman ipasuot to pag aalis lang, like check up or papabakuna sa center. Parang di ko na minsan naeenjoy ung motherhood ko kasi ang daming say ng nanay ng bf ko e, kahit sa pagpapadede, prefer nila formula kasi di daw nabubusog si baby sa bm, laging "kanina ka pa sa dede mo, di na nabusog busog anak mo". Masama ba talaga ung dark color sa infant? Kung oo, bakit po? Pasagot naman please. Paenlighten ako kung pwede o bawal. #pleasehelp #firsttimemom #advicepls #FTM

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag ganyan sis, ang iniisip ko na lang, concerned lang dn siguro sila kay baby kaya marami silang sinasabi. Pag nakakainis na, iniintindi ko na lang dn kasi magkaiba ang generation natin ee. Di maiwasan may differences in opinion. Basta sa huli, ikaw pa rin ang nanay ni baby, ikaw dapat masunod 😊ikaw nakakaalam ng best para sa kanya.

Magbasa pa