Pa-vent out lang

Bawal bang magpasuot ng dark color sa mga infant? Baby ko kasi 1½ months pa lang pero pinapasuotan ko na ng onesie na brown and blue. Sa shopee ko lang kasi nabili ung onesie nya, di naman ako makapili ng kulay kasi random lang binibigay. Yung mother kasi ng bf ko, lagi akong sinisita sa mga damit ng baby ko. Kailangan ganito, ganyan, dapat ganito, ganyan. Parang ang dating tuloy sakin, ang sama kong ina sa anak ko kasi pinapasuot ko pa rin ung onesie n brown and blue sa kanya. Sa side naman namin kasi, wala naman problema sa damit e. Minsan ko lang din naman ipasuot to pag aalis lang, like check up or papabakuna sa center. Parang di ko na minsan naeenjoy ung motherhood ko kasi ang daming say ng nanay ng bf ko e, kahit sa pagpapadede, prefer nila formula kasi di daw nabubusog si baby sa bm, laging "kanina ka pa sa dede mo, di na nabusog busog anak mo". Masama ba talaga ung dark color sa infant? Kung oo, bakit po? Pasagot naman please. Paenlighten ako kung pwede o bawal. #pleasehelp #firsttimemom #advicepls #FTM

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Siguro mi baka kaya ayaw nila pasuotin ng dark color gawa kasi di raw makikita agad pag dinapuan ng insekto ganun. Dito din samin nakasanayan na pag may baby puro puti ang suot pero di naman sa pinagbabawalan. Wag mo na lang pansinin mi lalo yung sa pag bebreastfeed pinakamagandang gatas yun para sa mga baby.

Magbasa pa