Problema sa Mother & Father in law
Bakit po ganon? Nagagalit sakin parents ng asawa ko kase napaka arte ko daw at pasosyal daw ako kase nag OB OB pa daw ako. Sa akin naman po nanggagaling yung pang gastos ng check up ko, never ako humingi ng tulong sakanila pero bat ganyan parang sobrang laki ng kasalanan ko sakanila gusto nila sa center nalang ako magpatingin pati magulang ko dinadamay nila sa galit nila kesyo di daw kami inaasikaso kase di ako sa center nagpapatingin. Sa totoo lang yung mga magulang ko lahat nag aasikaso pag may kailangan kami ng asawa ko. Tapos sila wala naman naitutulong sila pa ang galit. May karapatan ba silang magalit sakin kung ako naman ang may gastos sa lahat? 1st Baby ko po ito, nagpacheckup naman ako noon sa center kaso parang di ako nakukuntento na magbibigay lang sila ng gamot tapos tapos na (pero naiintindihan ko naman ang center kasi madami nagpapatingin sakanila kaya busy talaga) di gaya sa OB na may iaadvice talaga sila sayo kung anong dapat gawin, iwasan o kung okay ba ang baby mo at ilang beses na kasi akong nakakaramdam ng kung ano anong sakit kaya gusto ko parin talaga na nagpapaconsult sa OB. Pati nga ang OB dinadamay nila namemera daw ang OB ko andaming nirereseta, e hindi naman sa mismong OB ko nakakabili ng gamot. Sa drugstore pako bumibili. Lahat nalang dinadamay nila, hindi naman sila ang nagpapatingin kaya di nila alam kung bat andaming nirereseta sakin at kung bakit may follow up na check up ako. Pati ultrasound ko, bat daw ako nagpapaultrasound ako e dapat daw pag malapit nako manganak dun palang yung ultrasound, e pano ko malalaman gender ng baby ko kung di ako magpaaultrasound at alam naman ng OB ko kung ano ginagawa niya, alam naman niya kung ano at hindi ang makakabuti sakin. Ako naman ang nagbabayad sa lahat bakit ganon sila? Parang may krimen nakong ginawa sakanila kung magalit sila. Sumbat pa nila na anim anak nila never daw sila nagpaconsult sa OB at never sila gumastos ng malaki. Gusto ko lang naman ingatan yung baby ko, gusto ko safe siya. Sobrang naiistress ako at nasasaktan sa mga pinagsasabi nila saken parang wala silang utang na loob, pinautang ko sila at never pa nila nababayaran hanggang ngayon at nahiya din ako maningil kase wala daw pang gatas mga kapatid ng asawa ko, kahit na ako din kailangan ko ang pera para sa mga check up ko hinayaan ko nalang sila na di nila binabayaran, gumagawa ako ng paraan para makapag pacheckup ako. Tapos ganyan pa sila kung kausapin ako, pasosyal? maarte? Nananahimik ako bigla nalang ganyan mga pinagsasabi sakin. Halos mapuyat ako kakaisip bat ganyan sila. Sana okay lang ang baby ko, sana di mdamay sa stress 😔