15 Replies

sa case ko mommy, 40weeks na si lo ko non. buti nalang nagpaultrasound ako, dun namin nalaman na naglileak na yung panubugan ko. sat ako nag paultrasound 10.7 pa yung sukat panubigan ko. kaya pala feeling ko lumiliit yung tyan ko at sobrang lakas ko sa tubig. yun na nga mommy need ko na magpaadmit by monday. nagdaan ang 1day mommy, nagtry ko lahat para anytime pwede na akong manganak. squatting at lakad yung ginawa ko wala padin. monday na nung nagpunta kame sa hospital, nakainject n sakin yung pampahilab. then monitor yung hb ni baby, 30mins palang nakakalipas napansin ko nag 00 yung hb ni baby sa tyan ko, sobrang tagal. napatawag ako ng nurse nakita nila na ganun. otw palang ob ko non. tinawagan na nila si doc na need na ako ma ecs kase nadistress na si baby sa loob ng tyan ko. pagkaultrasound sakin mommy, boom 3.4 nalang yung panubigan ko. 2pm ako napasok sa operating rm, 2:30 baby is out. ganun kabilis kumilos yung ob ko. thank god turning 1yr na si baby ko this month. yun yung jurney ko mommy kung bakit ako nacs😅. sana di ka macs kase sobrang hirap at sobrang daming bawal. praying for your safe deliver for your baby. ingat

Sa case ko, nakatingala si baby sa loob kaya pala hindi makababa 😅 ininduce labor ako. Wala talaga nangyari. Pitong vials na tinurok sa swero ko at pitong primrose pinasok sa pwerta ko, di talaga naghilab. Ayun, emergency cs ako. Pag biyak sa akin, dun nalaman na may prob sa position ni baby.

in my case pang apat na baby ko ito 3 months na sya. sakanya lang ako na CS kaya nag pa ligate na din ako.. na stuck sa 6cm no pain pumutok na panubigan maubusan na kaya na emergency cs na ako..

maybe may nakikita si ob ng something might happen or anything sa pagbubuntis mo. Kaya mag iingat pa tayo lalo na mga buntis out there!❤

VIP Member

depende, sa case ko fetal distress from normal heart rate ni baby bumaba sya ng 60 to 70 kaya no choice talaga for safety din ni baby yun

depende po kasi sa position ni baby kaya may last ultrasound pa na nirerequest si ob minsan para masigurado ang position ni baby sa loob.

Pag mataas ang sugar mo pwede ka ma cs at kapag may uti. yun pang po sabi sakin kaya dinadamihan kopo yung water talaga.

sakin, stuck sa 2cm gang pumutok na panubigan. may pagka yellow ung tubig, baka daw napupu at stress na si baby kaya ecs na.

Same case tayo momshie, stuck at 2cm and nagmeconium na c baby sa loob.. ayun na ecs 😞

Depende, kung breech si baby, usually CS na para Mas safe. Minsan naman CS kasi distress na si baby.

Sa case ko po 3 days ako ininduced pero hanggang 2 cm lng tlga ako.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles